Chapter Five

1K 40 0
                                    

Hoops

Maaga kaming bumiyahe ni Dragon. Siyempre dapat maaga para hindi kami iwanan nung roller coaster. Haha. Soundtrip at kuwentuhan lang buong biyahe kaya masaya naman. May time na nakatulog ako kaya pinagtripan na naman ako nitong katabi ko. Picture-an ba naman ako habang nakanganga! Pinaghahampas ko, buti at hindi kami nabangga.

"Excited ka na ba?" biglang tanong niya.

"Malamang, Excited Kingdom kaya ang pupuntahan natin." sabi ko habang ngumangatngat ng Krim Stix.

"Ano ba yang kinakain mo?" sabi niya at saglit-saglit ay nililingon ako.

"Krim Stix. Teka bigyan kita." kumuha ako ng isa, binuksan ko ito at isinubo ko sakanya. Tinitigan ko siya at hinihintay ang reaksiyon niya habang tinitikman ang Krim Stix.

"Hindi masarap." Ay nasarapan ang loko. Basta sinabi niyang hindi masarap ibig sabihin ay nasarapan siya. Reverse psychologist lang ba.

"Heto pa oh. " Iniabot ko pa sakanya ang isa at agad niya namang kinuha ito.

"Sige pagtitiisan ko." sabi niya pa.

"Utot mo."

--------------------------

"Huwaw! Dali dun tayo!" giya ko sakanya. Napakaganda pala talaga dito sa Excited Kingdom. Napakaraming rides, napakaraming tao at higit sa lahat ay napakaraming pagkain.

"Teka lang. Mag-c-CR lang ako saglit. Hintayin mo ako dito, lagot ka sa akin kapag nawala ka na naman." banta niya saka umalis na.

At dahil masunurin ako at excited ay gumala na ako at hindi na siya hinintay.

Pumipili na ako ng masasakyan namin ni Jordan. Saan kaya? Sa Space Shuttle? Extreme Tower? O sa ferris wheel? Mahirap magdesisyon lalo na kung wala sayo yung budget. Hahaha.

"Aray." daing ko nang may nakatapak ng paa ko. Lalake pa naman kaya napakabigat. Kaka-pedicure ko pa naman. Handa ko na sanang singhalan ang talipandas na ito pero. .

"Oh. Sorry, Miss. Hindi ko sinasad--Ana?" gulat na sabi niya at maski ako'y nagulat din.

"Ah. . Bakit mo ako kilala?" tanong ko habang hindi makatingin sakanya.

"Hindi mo na ba ako maalala?" tanong niya ulit na nahimigan ko naman ng kalungkutan. Bakit ko siya makakalimutan? Eh siya lang naman ang nagwa--

"I'm Glint. Ikaw si Ana Franco di ba? Mas lalo kang gumaganda. " natutuwang sabi niya. Nilingon ko siya, ewan ko ba kung bakit ako nakakaramdam ng halo-halong emosyon. Posible bang. .hindi pwede. Nagkakamali lang ako.

"Ah. Glint. Oo, naalala na kita. Pasensiya na, kailangan ko ng umalis, may naghihintay kasi sa akin eh. " aalis na sana ako pero bigla niya akong pinigilan sa braso.

" Can we talk?" tanong niya. Hindi ako tumitingin sa mata niya dahil sa matang din iyon ako nahulog at nawasak.

"Hindi, ayoko.Nagpunta ako rito para mag-enjoy. Pasensiya ka na. "

"Gusto ko lang---"

"Let go of her or I'll punch you?" nagulat ako sa biglaang pagdating ni Jordan. Napalis naman ang kamay ni Glint sa braso ko at agad naman akong hinawakan sa kamay ni Jordan at ginuyod sa tabi niya.

"Boyfriend mo, Ana?" takang tanong niya.

"Ah. .Oo. Ah. . Ahmm. . Glint, si Jordan, boyfriend ko. Jordan, si Glint. . Ah. . Ahm. . Friend ko. " pagpapakilala ko naman. Naramdaman ko ang tensiyon. Kaya humigpit ang hawak ko kay Jordan.

"Nice to meet you, bro. " masayang sabi naman nitong si Glint. Hindi sumagot si Jordan.

" Ana, may gusto sana akong sabihin sayo."

Don't English Me! (Season II)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora