Chapter Thirty-Five

743 28 22
                                    

Missed

Naka-move on na ako sa sedoc namin.

Kayo ba? Hahaha.

Hanggang ngayon naman eh ginagamit pa rin namin yun kaso minsan parang nakakahalata na yung iba. Kesyo raw naka-unli si Dragon, kesyo raw nakakarindi na ang 'I'm busy' niya at parang sirang plaka sa kakaulit, walang makakapigil sa amin kasi kami ang pabebe couple--este kami ay nagmamahalan. Hahaha.

Ngayon nga ay nagpunta ako sa aming paaralan noong highschool kasi ipinapatawag daw ako ni Prince Epa Loids or Prince-epal, name ng Principal namin during that time.

Matanong nga yun mamaya kung bakit di pa rin nag-retire. Hula ko isang hibla na lamang ng buhok ang nasa tuktok ng malawak na bumbunan nun ang pilit na nagpapakatatag. Hahaha.

Pero alam niyo ang naramdaman ko kanina nang malaman kong ipinatawag niya ako?

Kaba.

Takot.

Jolt.

Pero echos lang yung jolt, para may maidagdag lang. Hahaha.

Yun nga, natakot ako kasi this is the forty-ninth time na ipinatawag muli ako. Namiss ko yung malamig na office ni Prince-epal, yung mga abubot at mga painting niyang di naman maintindihan. Namimiss ko na rin ang log book, kung saan Ana Franco lahat ang nakasulat. Nakakamiss maging estudyante.

Pagkapasok ko ng gate.

Huwaw. Mas gumanda yung school. Malawak na ngayon yung Garden nila sa center at maganda sa mata ang kulay ng mga building. Dati kasi kulay brown lang. Parang ano lang. Hahaha.

Improving!

Hindi ko na sinayang ang oras na iyon para magpunta sa office ni Prince-epal. Namiss ko rin yung taong yun eh.

Kakatok na sana ako kaso. .

" Come in! " sigaw na sabi niya. Alam kong siya yun kasi memorize ko ang boses niya. Lagi kaya ako niyang napapagalitan, magtataka pa ba kayo? Hahaha.

Pinihit ko ang seradura at agad na pumasok doon. Nakita ko siyang nakaupo at abalang-abala sa pagbabasa ng mga diyaryo.

" Prince-epal. " nakangiting tawag ko. Hindi pa rin siya nagtataas ng ulo para tignan ako.

" Kahit hindi ako tumingin sa'yo, alam kong ikaw yan, Ana Franco. " natatawang sabi niya. Agad akong naupo sa upuang nasa tapat ng table niya.

" Hala, paano niyo nalaman? Ninja na kayo, Prince-epal? "

" Ha! Ha! Hindi. Ikaw lang kasi ang nag-iisang tumatawag sa akin ng Prince-epal. Hindi naman ako epal. Ha! Ha! At ikaw lang ang namumukod-tanging estudyante ko dati na palaging napapatawag dito. So how are you, Ms. Franco? "

Napatingin na siya sa akin. Kanina kasi ay hindi ko makita ang mukha niya kasi nakatakip yung diyaryo pero ngayon. .

"Luh! Asan bumbunan niyo, Sir?! " napasigaw na tanong ko.

" Sige, pagtripan mo na naman ang buhok ko, Ana. Ikaw na bata talaga oh. " napapatawang sabi niya.

Kasi parang nadagdagan yung buhok niya sa ulo. Nakakapagtaka.

" Prince-epal. Why? When? How? " curious na sabi ko.

" Ha! Ha! Siyempre, medyo asensado tayo ngayon kaya bumili ako ng spray pampahaba ng buhok. Medyo effective naman kaya ganyan. "

" Amazing! Hahaha. Kamusta na pala kayo, Prince-epal? "

" Mas nauna mo pang kinamusta ang bumbunan ko kaysa sa kalagayan ko. Kakaiba ka talaga. Ha! Ha! Heto, strict pa rin sa mga bata. Ikaw? "

Don't English Me! (Season II)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin