Chapter Six

1K 38 1
                                    

Ferkiss

"Then I guess we'll play both. " hamon ni Glint sakanya. Seryoso lang si Dragon. Mas kinabahan tuloy ako. Nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa kung saan naroon ang maliit na court na paglalaruan.

Simple lang naman ang mechanics ng game. May mga maliliit na bola, unlimited yun, tapos may isang maliit na ring. Ang gagawin lang eh paramihan ng shoot in one minute. Kung sino ang manalo, siya ang makakakuha ng prize. Kung sakaling tie sila, aba'y mas malaking problema dahil pag-aagawan nila ang stuff toy. Pero I doubt it. Wow! Haha. I doubt it kasi kilala ko si Jordan, kalalakeng hindi marunong magbasketball. Haha.

"Okay start. " tumunog yung parang alarm senyales na start na ng pagshoshoot.

Dumadami na rin yung tao kasi ang guwa-guwapo kasi ng mga naglalaro. Ehem! Oo guwapo naman si Glint pero mas guwapo ang boyfriend ko. Kailan ba bumaba ang taste ko di ba?

Nagfocus ako kay Jordan.

Kaya nga ayaw ko na ngang paglaruin si Dragon dahil mainitin ang ulo, saka isa pa, baka hindi niya kayanin ang basketball. Alam niyo na, may basketbolismitic siya. Oh ano? Hindi niyo alam yun no? Hahaha. Wala pala kayo eh. Hahaha. Ang basketbolismistic ay ang phobia sa pagbabasketball. Simple as that. Huwaw!

Nasa kabilang side si Glint at ang syota niya at kami naman ay nandito sa kabila.

"Jordan, baka--"

"Shh. Just watch."

So as an intelligence, tumahimik na lang ako. Watch daw eh.

One. .

Eeeengk! Naku sablay!

Two. .

Eeengk!

Three. .

"Oy wag mo namang batuhin ng bola yung nagpapalaro."

Four. .

"Oy hinay-hinay baka makabasag ka. " sabi ko.

Five. .

"Hala. Natuluyan na."

Six. .

" Towpangina! Ayun yung ring mo oh. " turo ko kasi baka nakalimutan niya, andami niya ng naidamay eh.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Walang magandang maidudulot si Jordan sa basketball at walang maidudulot na maganda ang basketball kay Jordan.

Kumbaga sa buhay, ang basketball ay ang AFP at si Jordan ay ang BIFF, never magkasundo, magulo. Tumingin ako sa kabilang manlalaro.

Wow. Hameyzing. Ang galing mag-shoot ni Glint. Magaling naman talaga siya kahit noon pa mang magkaklase kami. Pero past is past. Iniiwas ko na lamang ang tingin ko kay Glint at ipinokus kay Dragon.

Si Dragon, focus na focus sa paglalaro. May butlig-butlig na nga ng pawis yung noo niya eh. Kaya napangiti ako kasi ginagawa niya ito sa akin. . Ginagawa niya ito para makuha ang stuff toy na gusto ko kahit na nahihirapan na siya.

Hinawakan ko siya sa balikat.

"Dragon. ." sabi ko.

"Tama na yan. ." sabi ko sakanya.

"Jordan. ." tawag ko ulit.

"I can do this. " sagot niya.

" Kahit naman hindi mo makuha yung stuff toy na gusto ko eh wala namang magbabago. Ikaw pa rin ang Dragon ko. " pabulong at nahihiyang sabi ko sakanya na dahilan ng paglingon niya sa akin.

" Say that you love me, dopey. " utos niya.

"I love you. " mahinang sabi ko.

" Louder. "

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now