Chapter Thirty-Nine

409 22 17
                                    

Wth

" This hurts me, Ana." Mahinang sabi niya.

Hindi ako makatingin sakanya.

Doomed.

Heto na nga ba yung sinasabi ko eh. Nalaman na niya.

Nalaman na niya.

" Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo, Dragon. A. .ayaw lang kitang masaktan. " nahihirapang sabi ko.

Napatingin siya sa akin at nangunot ang noo.

" So you knew this issue too, Ana? "

Mariin akong tumango.

" Wow. That's great. " sarkastikong sabi niya.

" Sorry. I know you'll not forgive me for saying this pero alam kong labis kang masasaktan kapag nalaman mong hindi mo tunay na kapatid si Alice. ." nalulungkot na sabi ko sakanya. Pero natahimik lamang siya.

Agad ko siyang nilingon.

" Wait. What? I'm just talking about this mysterious guy who is secretly meeting Alice without us knowing. Anong sinasabi mong hindi ko siya kapatid? Was that a joke? " nagugulumihang tanong niya .

At sa puntong ito, alam kong mayroong mali, may labis na di pagkakaintindihan.

At nasabi ko nga ang bagay na hindi naman dapat sabihin sa panahong ito.

Ana, Ana, napakatanga mo. Hmmm. .

" Jordan, sorry. ." sabi ko saka yumuko. Naguguilty talaga ako sa nagawa ko sakanya. Ang pagtatago ko ng sekreto na karapatan naman niyang malaman.

" Sorry for what? May alam ka bang di ko nalalaman? "

Humugot ako nang hangin bago nagsalita.

" Hindi mo tunay na kapatid si Alice, Jordan. " pag-ulit ko at pinakatitigan siya sa mata.

" Could I just say something? I need you as a comfort right now but what you're doing is giving me such a crazy idea, Ana. Seriously? " hindi pasigaw pero mahihimigan ang galit.

" Totoo ang sinasabi ko, Jordan. Sinabi mismo sa akin yan ng Daddy mo. " nahihirapang sabi ko.

Natahimik lang siya. Kinuha ko ang opportunity na iyon para makapagpaliwanag.

" Napalapit na sa akin ang Daddy mo, Dragon, kaya kahit ang sekretong iyon ay sinabi niya sa akin. Because he was so depressed, betrayed and sad. Hindi talaga siya ang nag-cheat sa pamilya niyo kundi ang Mommy mo. Habang busy ang Daddy mong nagtatrabaho, nagkaroon ng affair ang Mommy mo sa ibang lalake pero tinanggap pa rin siya ng Daddy mo. Hanggang sa magbunga ang affair na iyon at si Alice nga yun. Your Dad accepted her and so as with your Mom pero habang nakikita niya ang Mommy mo, not changing at all, he began to become very serious and strict. Iyan ang totoo. . "

Wala na akong pakialam kung lahat nasabi ko. I know that it's not really my part to discuss this very personal issue about his family but I can't stand innocent because I know something. I'm already involved.

And this will hurt, I know.

" How long did you know this? " monotonous lang na sabi niya habang nakatingin sa opposite ng direksiyon ko.

" Nasa State pa ak----" napatingin siya sa akin nang mataman.

" For years?! Pete sake, for years! How great is that, right? Itinago niyo sa akin ang sekretong yan and not just that, I'm the last person who discovered that damn secret. Really great. " sarkastikong sabi niya.

" Ayaw ko lang naman sabihin sayo kasi alam kong masasaktan ka. Araw-araw kong nararamdaman ang pagmamahal mo sa kapatid mo kaya mahirap para sa akin na sabihin ang bagay na iyon. . "

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now