Chapter Seventeen

729 25 3
                                    

Bouquet

Mukhang magiging masaya na ako nitong mga susunod na araw. Kasi medyo maayos na kami ni Jordan. Hindi ko naman sinasabing pinapatawad ko na siya pero I think na mas maiging maging magkaibigan muna kami para hindi kami maging awkward sa isa't- isa. At isa pa, hindi kami magiging masaya ni Leandro kapag may kinikimkim pa akong galit sa dibdib ko at kapag hindi ko pa pinakawalan ang nakaraan ko.

So far, so good naman kaya tuloy lang.

Nang matapos ang field work namin ay inihatid niya pa ako sa bahay namin. Pero hanggang labas lang siya ng gate dahil alam niyo naman na, may banta ang buhay niya sa pamilya ko.

Nandito ako sa banyo at pagkatapos kong maligo ay inihanda ko na ang caliber 44 kong baril, yung 30 inches kong bazuka, yung 442 na granada at isang nuclear bomb.

Humanda ka Tarciana. Tignan natin kung hindi pa sasabog ang matigas at makapal mong bungo.

Handa na akong pumasok sa trabaho kaso pagkababa ko nang hagdan.

" Nay, talamak na ang mga PDA sa daanan no? Lalo na sa bukiran, maraming mga lovers dun. Try niyo pumasyal doon minsan, baka maaliw kayo. " bungad ni Ate Hail. Anuraw?

" Ay oo nga anak, doon mo mapapatunayan na may forever. " dagdag ni Tatay. Anuraw?

" Haaaay. Tama rin yung hinala ko, sa huli, sa isa't-isa pa rin ang bagsak ng dalawang maya. " Hanuraw?

" Ano pinag-uusapan niyo, Ate? Mukhang malalalim ah. " tanong ko nang makababa na ako. Kumuha ako ng loaf bread at kinagat iyon.

" Ah wala, may nakita kasi kaming dalawang maya kahapon. Kaya ayun, natopic namin. " sabi niya na napapangiti.

" Anak, nakakalipad ka na--este aalis ka na ba papuntang trabaho?" tanong ni Nanay na nagkandamali-mali na.

" Ah opo. Kailangan eh. Pero kain muna ako kahit kaunti lang. " sabi ko sabay ngiti.

" Oh anak, mukhang masaya ka ah? Anong ganap?" sabi ni Nanay at nakatikwas ang kilay pero nakangisi.

" Paano ako hindi sasaya, Nay? Eh sweldo day ngayon." sagot ko naman sabay kagat uli sa tinapay na pinalamanan ng nutella.

Oh! Rich kid na kami. Dati-rati, sawsaw lang sa kape, ngayon numa-nutella na! Hahaha.

" Ah akala ko. Hahaha. Ah nga pala, tumawag si Leandro kahapon sa telepono, ading. Eh nalate ka ng uwi, kaya sinabi kong tumawag na lang siya sa phone mo. " singit naman ni Ate.

Pero nagtaka naman ako. May phone naman ako na pwede niyang tawagan. Bakit kailangan pa sa landline? Makikiuso sa telebabad? Pa-teens yun ah!

Nag-beep ang relo ko. Hudyat na kailangan ko nang umalis.

" Ah sige, aalis na po ako. Bye. " masayang bati ko.

" Sige ingat, sis. Kapag nakakita ka ng maya, alamna ah. " sabi niya na hindi ko nakuha. Basta kinuha ko na lamang ang kotse ko at pinasibad ito, beast mode. Hahahaha.

~I'd like to say, we gave it a try. I'd like to blame it, all on the life.~

Tumunog ang phone ko. Oo, alam ko 'Almost is Never Enough' ang ringtone ko. Hindi naman ibig sabihin na ringtone ko yun eh mahal ko pa si Dragon di ba? Hindi ba pwedeng nagandahan lang sa kanta? Mas lalong hindi ako defensive. I just wanna make it clear. Parang shampoo lang no? Haha.

" Hello, babe?" bungad ko. Si Leandro ang tumatawag. Iniloud-speaker ko na lang baka kasi madisgrasya ako kapag hindi ako nakafocus sa daan. Madali pa naman akong madistract.

" Babe. ." sabi niya saka maya-maya eh naririnig ko na ang mumunting paghikbi niya.

" Dro, what's wrong? Why are you cryin' ?" nag-aalalang sabi ko.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now