Chapter Thirty-Three

714 21 6
                                    

Gone

" Teka! Teka lang naman! " paghabol ko sakaniya. Tinakbo ko talaga hanggang makarating sa puwesto niya kasi hindi ako makakatulog kapag hindi kami nagkakaayos. Iyan ang masakit sa loob kapag in a relationship ka. Eh kung single ka naman, humanap ka nang karelasyon mo para masakit rin ang loob mo. Gaya-gaya lang. Hahaha.

Nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang laylayan ng T-shirt niya kaya siya'y napahinto. Aba dapat lang! O baka gusto niyang mapunit ang damit niya.

" Sorry na, Dragon. " malambing at sinserong sabi ko.

" What are you sorry for? " tanong niya sa akin habang nakatalikod pa rin.

" Kasi hindi ako nakapagpaalam sa'yo at hindi ko sinabing kasama ko si long hair. " pag-amin ko.

" Next time you--" sabi niya at saka niyakap ko siya agad nang mahigpit at hindi na siya pinatapos sa kung anumang sasabihin niya.

" Yes! Bati na tayo. Ayieee. " pagdeklara ko. Inalis niya ang aking kamay sa laylayan ng damit niya at ako'y hinarap.

*Tok*

" Awww. Para saan yun? " tanong ko nang bigla niya akong pinitik nang  marahan sa noo.

" Let me finish first. " nakaismid na sabi niya.

" Eh ganun din naman yun eh. At least accelerated na ako, hindi mo pa man nasasabi, alam ko na agad ang sasabihin mo. We have connections, baby. " nakangusong sabi ko.

" Tss. Go home, it's too dark in here. " utos niya.

" Ayoko pa. Gusto mo kain tayo?" tanong ko sakanya.

" Hindi ka ba pinakain ni Armo?"

" Hindi. Kuripot yata yun eh saka ayoko siyang kasamang kumain, gusto ko ikaw. Ayie kinilig ang tombong niya. " pang-aasar ko at napangiti siya.

" Tss. Saan mo gustong kumain? " tanong niya sabay hawak sa kamay ko.

" Sa bunganga malamang. Alangan namang gusto kong kumain sa ilong, masakit yun. Bungol. "

" Pilosopo ka talaga no? Tss. Saang lugar? " seryoso pero alam kong natatawa siya at narealize niyang may pagka-shunga yung tanong niyang iyon sa akin.

" Dito na lang sa bahay, ipagluto mo nalang ako. " suggest ko sakanya.

" Tss. Tamad. "

" At least, mahal mo. " ginuyod niya na ako papasok sa gate. Kinaladkad pala. Kung alam ko lang, kinilig talaga ang tombong nito. Hahahaha.

--------------------

" Matagal pa bang maluto yan? " tanong ko sakanya habang pinapaikot-ikot ko ang aking upuan. Kasalukuyan siyang nagluluto ng kakainin namin.

" Wag ka ngang shuma, alam mong kakaumpisa ko pa lang. Cooking is not instant, dopey. " sabi niya na ikinatawa ko.

" Anong shuma? Hahahaha! Tanga! Shonga yun hindi shuma! " then I let out a hearty laugh. Napahinto siya sa paghahalo ng kung anong ingredients dun at siguro'y narealize niya na shuma talaga siya. Hahaha.

" It's not my fault, iyan ang naririnig ko palagi kaya ginagaya ko lang. " nakasimangot na sabi niya.

" Hahaha. Ang shuma mo talaga, Dragon. Nyahahaha. "

At alam niyo ang ginawa niya? Sineen niya ako at itinuloy ang kanyang pagluluto.

Sheetnis talaga 'to, supladito!

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now