Chapter Eleven

953 37 9
                                    

Glass

Umuwi na ako ng bahay namin. Wala pa ring pinagbago. Ganun pa rin yung mga paupahan. Bagong renovate nga lang at pintura.

Binati ko ang bagong guard.

"Hello po, Ma'am. Ano pong kailangan niyo?" nakangiting sabi niya. Medyo ka-age ni Manong Carlo itong nasa harapan ko.

Nalungkot na naman ako nang maalala ko si Manong Carlo, namatay siya two years ago, na-cardiac arrest. Gusto ko sanang makipaglibing kaso hindi pa ako handang umuwi.

"Ah. Manong, anak po ako ni Mr. and Mrs. Franco. " nakangiting sabi ko. Nanlaki naman ang mata niya.

"Ay pasensiya ka na ineng, hindi ko alam. Sige pumasok ka na. " mas binukas niya ang gate.

"Salamat po, Manong?"

"Lucio. "

"Manong Lucio. ." sabi ko saka umalis na.

Bakit patay yata ang ilaw namin? Naputulan ba kami ng kuryente? Imposible. Papasok na sana ako kaso napatingin ako sa kabilang bahay. .

Agad kong iniiwas ang mata ko sa parteng iyon. .

Pilit ko na lamang ibinabaon sa limot. Napakasakit kapag inaalala ko.

Hawak-hawak ko ang seradura ng pinto ng aming bahay at nang mabuksan ko ito ay. .

"WELCOME HOME, ANA!!" sabay-sabay na sigaw nila. Nagbukas ang ilaw at nakikita ko ang mga pagkaing nakahapag. Niyakap ko silang lahat.

"Miss na miss ka na namin." sabi ni Ate Hail na sumisiksik din ng yakap.

"Miss ko na rin kayo. " natutuwang sabi ko.

-------------

" Ano? Ayos ka na?" tanong ni Tatay.

"Opo. Ayos na ayos na. "

" Nakalimutan mo na ba si Jor---"

" Op. Op. Ops . Kung sinuman ang magbabanggit ng pangalan ng lalake na yan, maghuhulog dito sa garapon ng isang libo. " maagap na sabi ko.

" Wow. Parang sinumpa na ang pangalan na yun ah. Pero wala na ba talagang pag-asa si Jo-- yung lalakeng yun anak?" tanong ni Nanay.

" Nay, naka-move on na po ako. Saka boyfriend ko na po si Leandro. Kalimutan na natin yang lalakeng yan. " utos ko saka nilantakan ko yung maja.

" Kailan naman siya papasyal dito?" tanong ni Nanay. Naguluhan ako.

"Huh? Sino po? Si Leandro o si Jordan?"

"HULI KA BALBON! Maghulog ka ng isang libo dito. " natatawang sabi ni Ate. Natapik ko yung noo ko. Tanga mo, Ana.

Ako pa talaga ang nagbinyag sa garapon na yan.

" Malamang si Leandro. Alangan namang pumunta dito si Jo--- yung lalakeng yun. " natatawa ako sakanila kasi kamuntik-muntik silang nadudulas. Haha.

" Ah. Hindi ko po alam. Siguro baka bukas. " sagot ko na lamang. Marami pa kaming pinag-usapan at sa huli ay kaming dalawa na lamang ni Ate ang nasa kuwarto.

" Nakita mo na ba siya?" tanong nito. Nakasandal kami sa headboard na dalawa habang ngumangatngat ng Pringles.

'Siya' ang tinutukoy niya, alam ko yun.

" Hmm. Kanina, siya yung kameeting ko. At siya rin ang magiging business partner ko." pormal na sabi ko lang.

" Nakalimutan mo na ba siya?" seryosong tanong niya.

" Parang tinatanong mo naman ate kung limot ko na ang pangalan ko. " makahulugang sabi ko sakanya.

" Ano nga?"

Don't English Me! (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon