Chapter Twenty-Nine

794 31 19
                                    

Bukol

It is a very pleasant day. As pleasant as a bay. Pero ang busangot kong katabey, nanghuhuli ng tubi-tubey--este tutubey. Hahaha. Rhyming words!

Joke!

Nasa bahay ako ni Dragon.

At alas-onse na ng gabi.

Wow ano? Hahaha. Oo, wow talaga!

Kagabi kasi. .

Woo!

" Ano uwi na tayo o titignan mo na lang yang ex mo na naglalakad papalayo? " tanong ni Sonn. Napansin niya kasing matapos na gumawa ng 'You forgot your necklace scene' ang Dragon na iyon ay saka na rin napako ang tingin ko sa direksiyon niya kahit na papaalis na siya.

" Tse! Wag ka ngang epaloids, bangasan kita eh. " sabi ko.

" Hahaha. Titingin-tingin ka kasi sa iba eh nandito lang naman ako." sabi niya at tanga lang ang hindi makakuha nun.

" Kailangan ka pa naging poste? " asar ko.

" Naku, ikaw talaga oh. 'Lika na nga. " sabay guyod sa aking braso at pinasakay na sa loob ng kotse.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hindi pa man kami nakakaalis sa gusali ay. .

" Towpangina! Naku! Ang tanga talaga oh! " sigaw ko.

" Anong nangya---" hindi na naituloy ni Sonn ang sasabihin niya dahil pinutol ko agad ito.

" Ihinto mo sa tabi, bilis! " utos ko kaya sinunod niya ito. Agad akong bumaba at nagpunta sa taong tanga.

" Hoy bobo! Bakit mo iniuntog yang ulo mo sa puno?! " singhal ko sakanya.

Kasalukuyan niyang hawak ang kanyang ulo at alam ko, magiging ganap na siyang. . .

Shaolin soccer. Hahaha.

Magkakabukol 'to, pustahan tayo? Ano? Ano? Saan ka? Cavs o GSW? Hahahaha.

Kasi naman, papaalis pa lang kami nang mahagip ng aking mata ang pigura niya at heto naman ang tangang puno,kung saan-saan tumitingin, nag-eemo pa kaya nabangga si Dragon kaya heto si Dragon napatumba't napaupo siya sa gilid ng kahon--este kalsada. Napakatangang puno ano? Note the sarcastic--este sarcasm.

" Damn it. " sabi niya saka napapikit. Nabungol siguro 'to.

" Sonn! Halika nga, buhatin mo 'to! " sigaw ko kay Sonn. Agad siyang bumaba sa kotse at nang makita niya kung sino ang tinutukoy kong aakayin niya ay. .

" Ayoko nga. " sabi niya saka nagcrossed arms. Tinubuan ka nga naman ng kagang oh!

" Aakayin mo o sasabihin ko sa Nanay mong---"

" Oo na. Ang galing mo talagang mang-blackmail eh noh? Psh. " sabi niya saka lumapit kay Dragon at agad niya itong hinawakan sa braso. Napamulat si Jordan at nilingon kung sino ang humawak sakanya.

" Get off me. " maagap niyang sabi.

" Psh. Di wag." sabi naman ni Sonn.

" Nakanaman ng linshak! Pabebe ka pa! " singhal ko sa taong ito na matigas ang ulo. Ang taas kasi ng pride. Siya na nga itong tinutulungan, siya pa 'tong pakeeps.

" Just leave me alone. " sabi niya na lang sabay hilot ng sentido.

Alam ko na kung bakit.

Ayaw niyang kasama si Sonn.

Ampalaya!

Lumayo ako roon sa kinauupuan ni Dragon tapos sinenyasan ko si Sonn na sumunod sa akin. Pero ang lalakeng ito rin ay bakokol, napakaslow.

Don't English Me! (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon