Chapter Fifteen

687 29 5
                                    

New

" So, tell me what did that bastard told you." tanong niya sa akin. Nasa kotse ko ang damuhong ito dahil hindi niya raw nadala ang kotse niya dahil sa pagmamadali. Nagmamaneho ako.

" He wants me in his company. " walang-anumang sabi ko na ikinapanting ng tainga niya.

" WHAT?! "

" Bangag?! Di makaintindi ng Ingles?!" balik sigaw ko rin.

" Tsh. At ano ang sagot mo?" tanong niyang iritado.

" Sabi ko pag-iisipan ko muna. "

" What?! Pag-iisipan mo?! "

" Towpangina! Mag-uulitan na lang ba tayo rito?! " sigaw ko rin pero nakadiretso pa rin ang tingin sa daanan.

" Ayaw mo na ba sa kompanya ko, Hebe?" malumanay niyang sabi.

" May sinabi ba ako?"

" Kahit na. Parang ganun rin yun, sabi mo pag-iisipan mo pa eh. " parang nagtatampong sabi niya.

" Kaya nga. Malay mo, may ginawa kang hindi ko nagustuhan sa mga susunod na linggo, eh di alis agad ako. " sabi ko sakanya.

" Grabe naman yan. So dapat talaga magpakabait ako para hindi ka umalis. "

" Yeah, exactly." natatawang sabi ko.

" Hmm. I'll not let you go to that company. I'll do anything. "

" Tignan natin. Hahaha. "

As if namang aalis ako. Tsss.

" So anong plano mo sa buhay? Hahatid pa kita sa bahay mo?" tanong ko sakanya.

" Oo naman. Responsibilidad mo ako. " asar niya.

" Wow ha! Ano 'to? Nabuntis kita? " natatawa na ring sabi ko.

" Oo, I'm two months pregnant, Hebe. Ikaw ang ina. " nagbabaeng boses siya.

Hinampas ko siya sa braso kasi hindi ko na mapigilan ang tawa ko.

" Gago. Saan ba ang bahay mo?" tanong ko na lamang.

" Sa puso mo. "

" Mabuti naka-survive ka?" balik-sagot ko naman.

" Huh? Bakit?" takang-tanong niya.

Kasi binasag mo na dati eh, nagkandapira-piraso, baka maapakan mo ang mga nagkalat na bubog.

Sagot ko sa sarili ko.

" May heart attack ako eh, baka maatake ka. " pagbaling ko na lamang. Parang awtomatikong napalingon siya sa akin kahit na hindi ako nakatingin sa kanya.

" May sakit ka sa puso?! Is that fatal?! Bakit hindi ka magpatingin sa doktor?! I can pay for your medicines." hindi humihingang sabi niya.

" Pwedeng mag-joke? " sabi ko. He let out a deep sigh.

" Geez. Pinakaba mo ako. Akala ko pa naman. ."

Pinakaba? Concern siya? Pero noong sinaktan niya ako? Ano kayang naramdaman niya? Tuwa at saya?

" Saan dito? " tanong ko. Ibinigay niya sa akin ang direksyon at madali ko naman iyong natungtong. Nandito na kami sa loob ng gate.Dineactivate ko na ang lock pero hindi pa rin niya binubuksan ang pinto.

" Would you like to have a coffee with me in my house?" tanong niya. Tumingin ako sakanya.

" Hindi na. Busog na ako. "

" Please. Nandiyan ang kapatid ko ngayon. Kahit makipagkuwentuhan ka lang. Please. Just for this night, Hebe. " pakiusap niya.

" Sinong kapatid mo?"

Don't English Me! (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon