Chapter Twenty

837 34 17
                                    

Hero

Lumipas ang dalawang araw. .

Tuloy pa rin ang dalawang mokong na ito sa pakikipagtagisan sa isa't-isa. Basta ako relaks lang dito kasi maraming incentives.

Una, puno ng tsokolate at iba't-ibang masasarap na pagkain ang refrigerator ko.

Pangalawa, may isang taong supply ako ng tubig at strepsils.

Pangatlo, pinaloloadan nila ako araw-araw.

Pang-apat, Haaay naku, aabutin tayo ng next update kapag tinuloy ko pa 'tong pag-eenumerate ko. Hahaha.

Kaya para matapos na ito at matapos na ang kabaliwan ng dalawang iyon, iiwanan ko na sila rito. Kung gusto nila, sila na lang ang magligawan na dalawa. Tss.

Marami na rin kasi akong naiwan na trabaho sa Pilipinas saka namimiss ko na sila Nanay, Tatay at Ate Hail. Nagpunta lang naman ako rito para sa Daddy ni Dro.

Pero bago ako umuwi ng Pinas, bibili muna ako ng souvenir at magpapaalam sa mga kaibigan at kaaway ko. Pwera lang sa dalawang yun. Bahala sila.

Kaya umagang-umaga palang ay excited na akong lumabas sa apartment at nagpunta sa So Be Near Shop. Oha! Nandito na lahat ng pang-souvenir na hinahanap mo gaya ng mga chocolates, cosmetics, stuff toys, canned goods at siyempre mga damit na may iba't- ibang phrase na nakasulat gaya ng

'I love it here!' ,

'I love it there!' ,

'I love it everywhere!'.

'I love it everywhere' ? Susginooo. Paano kapag nakulong ka sa jail ? You'll love it there?! Tss. Bobo ang gumawa ng print na ito! Hooo! Hooo! Magsara na kayooo! AHAHAHA.

Ang mahirap lang dito sa ibang bansa eh hindi ka makakatingi at hindi ka makakatawad sa mga mahal na bilihin. Di gaya sa Pinas, ang Cup A na bra ay singkwenta pesos ngunit para sa mga medyo flat na katulad ko ay kinse pesos lang , buy one take one pa! Nakamura ka nga pero nainsulto ka naman, towpangina! Hahaha.

Pero alangan namang kapag nasa cashier ka na eh sabihin mong ,

" Hey cashier, no discount? No entry?"

Tongue mother--!  Baka pukpukin pa ako ng computer nun, at kapag nadale niya ang ulo ko, baka mabasag ang bungo ko, magkakaroon ng damage ang aking utak , magkaroon ako ng brain tumor, magka-amnesia pa ako, hindi ko na makikilala ang pamilya at mga kaibigan ko, hindi ko na makikilala ang sarili ko at baka makalimutan ko ring magtoothbrush. At kapag nakalimutan kong magtoothbrush, iiwasan ako ng mga tao, magiging loner ako, madedepress ako, magkukulong ako sa madilim na kwarto, maiiyak ako gabi-gabi at baka maisipan kong maglaslas. At kapag naglaslas ako, itatakbo ako sa ospital, iiyak ang mga mahal ko sa buhay kasi baka ako'y mamatay. At kapag namatay ako, malulungkot silang lahat, may mga magsisisi, may matutuwa, may maiinis dahil pag ako namatay ngayon, tapos agad ang istoryang ito. At kapag natapos ang istoryang ito, magagalit kayo sa gumawa, tsatsap-chopin niyo ang author at itatapon sa Zamboanga Peninsula. At kapag napunta siya sa Zamboanga Peninsula, magiging miyembro siya ng ISIS group at magrerebelde at kapag naging rebelde siya, isa-isa niya kayong hahanapin at papatayin. At kapag namatay na kayo, Ay! Welcome to heaven! Meet-up na ituuu! Hahahahaha.

Kitams? May teamwork ang mga cells ko sa utak. Hahahaha.

Dahil nga sa sobrang pag-iisip ko, pinagtitinginan na ako rito dahil one hour na pala akong nagdedaydream. At mas lalo akong napahiya dahil habang nagdedaydream ako ay nakahawak pala ako sa mga push-up bra! Ano 'to nananadya ang tadhana o sadyang pinapamukha sa akin na malnourished ang hinaharap ko?

WAAAAA! Kayo kasi eh! Ang gulo-gulo niyo!

Kaya agad akong nagpunta sa rack ng mga damit. Pahiya ako run ah.

Don't English Me! (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon