Chapter Four

1.1K 31 0
                                    

Weird

Naglalakad ako papuntang -- hindi ko pa sasabihin dahil sekretong malupit to. Nakikinig ako ng music sa aking phone at pasipol-sipol pa habang naglalakad.

Nakarating na ako. Nang papalakad na ako sa aking patutunguhan ay may naaninag akong isang babaeng nakaupo malapit sa puno. Parang hinihila ako papunta sakanya. Kaya in the end, tumabi ako at naupo sa lilim. Maaga pa naman kaya naisipan kong magpahinga muna nang kaunti.

"Bakit ganun sila? Hindi ba nila alam na nakakasakit sila ng tao?" muntik na akong mapatayo sa pagkakaupo nang biglang umirit ang katabi ko.

"Miss ako ba kausap mo?" tanong ko sakanya habang nakaturo ang hintuturo ko sa aking sarili. Tinignan niya ako, napakaganda niya ngunit puno ng lungkot ang kaniyang mga mata.

"Ah. Hindi." sabi niya saka inalis ang pagkakatitig sa akin. Nakita ko siyang pumikit habang nakasandal sa puno.

Tinititigan ko siya dahil parang--

"Ganun ba kadali para sakanila ang manakit ng damdamin?!" bigla na naman niyang sabi. Napahawak na naman ako sa aking dibdib. Naknaman ng puno oh. Mamamatay yata ako dahil sa babaeng ito eh.

"Miss sino kausap mo?" tanong ko ulit sakanya. Weirdo.

"Ah. Wala. " sabi niya lang saka maya-maya pa'y niyakap niya ang kanyang mga binti saka umidlip doon. Napayapa naman ako.

"Hindi lahat ng lalake, pinagkakatiwalaan. Kung sino pa yung malapit sa loob mo, yun pa yung sobrang mananakit sayo." bigla na naman niyang sabi. Nakinig ako. Since hindi naman pala niya ako kinakausap. May pinagdadaanan yata siya.

"Nagmahal ka na ba?" sabi na naman niya. Nakinig lang ako.

"Ate, nagmahal ka na ba?" nagdedeclame yata siya. Maya-maya ay may kumalabit sa akin na ikinabigla ko.

"Ha-huh?" sabi ko.

"Tinatanong kita kung nagmahal ka na ba?"

Ahh. Tinatanong niya pala ako. Akala ko naman kinakausap niya uli yung hangin.

"Ah. Ahm oo naman. " nakangiti pang sabi ko. Naisip ko kasi agad si Dragon eh. Ganoon talaga yun.

"Wag kang basta-basta maniniwala. Kahit mahal mo siya, hindi mo pa siya lubos na kilala. " Hanudaw? Napaka-weird naman ng batang ito.

"Ah. Neng, may pinagdadaanan ka ba? May malaking problema? Humihithit ka ba? Nagshashabu? Baka matulungan kita, sabihin mo lang sa akin. Makikinig ako sayo." sabi ko naman. Umiling siya.

"Wala. Wala akong problema, Ate. Ayos lang ako."

"Anong pangalan mo?" tanong ko na lang para medyo gumaan naman yung pakiramdam niya.

"Sav. Savannah po. Pasensiya na kung naabala ko kayo ah. Sige aalis na ako. Bye." Saka umalis na siya at iniwanan ako. Weirdo.

(Commercial: Hola! Yeah right! Meet Savannah ng Paasa Code. If you wanna know what's behind her weirdness, basahin niyo po yung Paasa Code. Short story lang po siya at completed na. Yown lang - -, )

Makalipas ang anim na oras. . .

Masaya ako habang pauwi. At dahil nga hindi alam ni Dragon kung saan ako pumunta, bibili ako ng panuhol ko sakanya. Ano kayang magandang panuhol dun?

Nagdiretso na lamang ako ng mall. Tama! Bilhan ko nga siya ng buko pie. Paborito nun yung mga matatamis eh.

Napadaan ako sa mga nagpapa-free taste. Siyempre kilala niyo naman ako, ayokong nagsasayang sila ng pagkain kaya pipila ako. Haha. Ang swerte ko naman. Biruin mo, fifteen na iba't-ibang produkto ang nagpapa-free taste ngayon. May skyflakes with tuna, pero napakaliit naman ng sukat, hindi nga yata aabot sa pharynx ko ito eh. Huwaw puma-pharynx eh! Hahaha. May nestea , flavor niya eh apple-orange pero yung lalagyan nung pag-iinuman eh parang takip lang ng C2. May hotdog, akala ko ibibigay sa akin yung isang buo yun pala kakagat lang daw ako ng maliit. At marami pang iba. Sinubukan ko lahat yun. Maliban lang sa dalawa. Alangan namang kainin ko yung albatross at inumin ko yung toilet bowl cleaner? Mygash! Hahahaha.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now