Chapter Twenty-One

780 33 10
                                    

Dalandan

Nakababa na kami sa eroplano. Kung tatanungin niyo ako kung sinagot ko na siya, hindi pa rin. Aba'y sa panahon ngayon kailangan muna nating magpabebe lalo na kapag sa taong nakasakit sayo. Bayaan mo silang mag-exert ng extra effort. Haha.

" Careful. Baka mahulog ka. " sabi niya pa sa akin nung pababa na kami nang hagdan.

" Ang tanga ko naman kapag mahuhulog pa ako rito. Tss. " sabi ko sakanya. Aba'y kaluwag kaya ng hagdanan, sinong tangang mahuhu----

" AYYY TUKO! " sigaw ko.

" Tanga ka nga. Hahaha. Mabuti na lang attentive 'tong mga muscles ko. " sabi niya pa. Inalis ko ang mahigpit na pag-alalay niya sa bewang ko. Muntik na akong mahulog ah.

" Tse. " sungit na sabi ko na lamang sakanya at patuloy na bumaba.

" Uwi ka bang bahay niyo? " sabi niya. Nagsimula na kaming maglakad.

" Ay malamang. Alangan bumalik ako sa States? "

" Tss. Nagtatanong lang, 'to naman. " sabi niya rin na nakapout. Sus, pacute!

" May sasakyan ka ba pauwi? "

Ang totoo niyan, wala. Surprise lang 'tong pag-uwing ginawa ko kaya di ko nainform sila Nanay.

" Wala, bibigyan mo ako?" pang-aasar ko.

" Oo kung gusto mo, asawa naman kita eh. " pagbawi niya rin. Napalingon ako sakanya. Naging abnoy naman yata 'to? Hahaha.

" Asawa your face! Sige, makikisabay ako para naman mapakinabangan ka. " natatawang sabi ko sakanya.

" Tara na, baby. " sabi niya at hinawakan ang maleta ko. Baby! Mukha ba akong fetus?! King-mother!

" Sinong inutusan mo para kumuha ng kotse mo? " tanong ko.

" Ah tauhan ni Dad. " sabi niya lang.

" Dali na. " sambit niya uli nang makitang mabagal akong maglakad.

" Teka lang, palibhasa kalaki mong tao, mahaba legs mo. Tss. Inconsiderate. "

Nginitian niya lang ako.

Contagious smile. Haaay!

--------------

" Anong oras na? " biglang tanong niya nang makasakay na kami sa kotse. Tinignan ko ang aking pambisig na relo.

" 2:00 AM." sambit ko at naghikab.

" Nakakatulog na rin ako eh. Pwede bang sa bahay ko muna ikaw? Tapos pagdating din naman ng umaga eh ihahatid kita sa bahay niyo? " sabi niya sa akin. Nakakatulog na talaga ako, wala naman sigurong masama kung makitulog ako sa Dragon na ito di ba?

" Oh sige. Wag mo akong rereypin ah. " sabi ko sakanya na ikinatawa niya.

" Hindi kita rereypin, nene. Naka-baby bra ka pa eh. Hahahaha-- Ouch! Where did that come from?! " nagulat na sabi niya. Binato ko siya ng lata ng Coke. Bastos na nga, nang-insulto pa. Baby bra daw?! Wadapak! Cup ABC kaya ako! Hahahaha.

" Mabalaw ka lasi, bakes! "

[Mabalaw ka lasi, bakes! - Mapamintas ka kasi, unggoy!]

" Ay nga pala, nasaan na kaya yung Tarciana na yun? Hindi pa ako nakakabawi sa babaeng yun. Nakahanda na kaya mga gagamitin ko para i-salvage siya. " sabi ko habang pinagsasalikop ko ang aking kamao.

" Don't you worry coz she's gone. " sabi niya sa akin.

" Ano?! Hindi pa ako nakaganti dun ah! "

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now