Chapter Seven

905 33 6
                                    

Flashlight

Lumipas ang tatlong araw. .

"Ma! Ano po yang amoy alamang?!" sigaw ko habang nasa loob ng kuwarto. Eh kasarap naman na kasi ng tulog ko eh bigla ko ba namang nasinghot ang kinaiinisan kong amoy, alamang. Tinabunan ko na lamang ng unan ang buong mukha ko at saka ipinagpatuloy ang naudlot kong pagtulog.

*Brizk* *Brizk*

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko pero dahil na rin siguro sa antok, wakokeme. (Wala akong pake. ) Kaya tinulugan ko.

Makalipas siguro ng mga tatlong oras eh nagising na ako. Ayos naman na ang tulog ko. Hyper na ako ulit.

Naalala ko na nagvibrate pala yung phone ko kanina. Anim lang naman ang nasa contact ko. Si Nanay, Ate Hail, Ziglar, Steph, Ate Gretch ng Scooby Salon at si Dragon. Ay mayroon pa palang dalawa! Si 8888 at si 4438. Loyal ang dalawang yan sa akin, laging nagtetext, walang mintis. Haha.

From: Dragon Boyfriend
Morning, dopey. Punta ako diyan? Nood tayo.

Pinalitan ko na naman ang name niya sa contact ko. Haha. Trip ko lang, wakangpake. Haha. Pansin ko lang ah, wala nang nagawa 'tong taong 'to sa buhay niya. Puro nood, bakasyon, kain. Baka pagalitan ako ng tatay nito kapag tumaba.

To: Dragon Boyfriend
Ano pa nga bang magagawa ko? Sige, gumayak ka na rito. Kakagising ko lang :) Morning! :))))

Kitams? Hyper na naman ako. Haha.

Bumangon muna ako saka naghilamos, nagtoothbrush at nag-apply ng Fonds sa mukha. Ganyan talaga yung spelling, wag kayong judgmentor! Nabili ko kasi yan kay Aling Bebs, mahal kasi yung original, which is yung Ponds pero sabi ko yung mura lang kaya inofferan niya ako ng iba. At heto nga ang mahiwagang Fonds, second hand lotion, Php 17.00 only, tiyak kang puputi.

Bababa na sana ako ng aking kuwarto pero may nakita akong isang teddy bear sa ibabaw ng maliit kong bookshelf.

Pinagmasdan ko iyon, niyakap at inamoy. Hmn. Amoy imported. Nakow naman oh! Patext-text pa yung Dragon na iyon! Eh nakapasok na pala sa kuwarto ko. May pasurprise-surprise pang nalalaman. Tsk. Tsk. Tsk. Kinilig naman daw ako. Haha.

Pababa na ako ng hagdan at naipagpasalamat na nawala na yung amoy ng alamang kanina. Pero nabigla ako sa nakita ko. .

" A. . Ate Hail?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Muntikan na akong mapasubsob pababa ng hagdan. Hindi ko ineexpect na magbabakasyon siya ng ganitong kaaga. Sabi niya kasi noong makausap ko siya eh malapit na siyang umuwi. Hindi ko naman alam na ang depinasyon niya pala ng malapit eh ganito kaaga.

Bumaba ako nang napakabilis at niyakap siya na parang dinudurog. Ghad! Namiss ko 'tong payatot na ate ko.

"A. . Aray naman, Ana. " natatawang sabi niya. Namiss ko talaga siya, naiiyak tuloy ako.

Natatawa naman kaming pinagmamasdan nila Nanay at Tatay.

"Oh bakit parang naiiyak ka riyan? Para kang engot. " sabi niya at niyakap na rin ako pabalik.

"Eh kasi. . " feeling ko tutulo na yung uhog-este luha ko.

"Kasi?"

"Kasi nandito ka na, ibig sabihin, maraming toblerone sa bagahe mo. Haaaay. " sabi ko. Oo nakakaiyak talaga kasi kapag si Ate umuuwi panigurado hindi mawawala ang mga paborito kong tsokolate.

Pero nabigla ako nang binatukan niya ako. Heto na ang simula nang pagkakaroon ko ng brain tumor. Bukod kasi kay Steph, si Ate Hail ang may habit na batukan ako tuwing may sinasabi akong ewan at may inaaktong ewan.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now