Chapter Forty-Two

294 16 10
                                    

Feet

Kahit na ilang beses na akong pinagbawalan nila Nanay, hindi ko pa rin magawang pumirmi lang dito. Kahit na anong pilit kong huwag mag-isip ay parang awtomatikong napapaisip pa rin ako. Great thinker ako eh!

Baliktad!

Naaalala ko pa nung bata pa ako, palagi akong sinasabihan na mag-isip dapat at lagi naman akong pinapagalitan ng mga teacher ko dahil di raw ako nag-iisip. Ngayon naman, kailangan huwag akong mag-isip kasi kapag nag-isip ako baka raw may mga maiisip akong di dapat iniisip. Napaisip ka rin no?

Yun nga lang may consequence yung mariin na pag-iisip ko. Parang pinupukpok ng martilyo ni Thor ang ulo ko. Sobrang sakit, promise lasang kamatis. Hay. Kaya hindi na ako nag-iisip masyado. Pero napaisip na naman ako.

Bakit kailangan kong hindi mag-isip?

So ayun, sumasakit na naman ulo ko ngayon. Bullshocker.

Kanina pa ako parang minamartilyo rito. Parang naririnig ko pa nga mismo yung kalabog ng parang pintuan sa ulo ko at----

" Oy, Ana! Baka gusto mong buksan 'tong pintuan at sumasakit na ang kamao ko sa kakakatok?! " malakas na sigaw ni Ate Hail sa labas.

Napakamot ako sa aking ulo. Hindi pala imagination yun, totoo palang may kumakatok kanina pa. Hehe.

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pintuan. Agad siyang pumasok at sumalampak sa kama.

" Bakit ang aga mong nagising, 'Te? " takang tanong ko.

" Hindi ako mapakali eh. Lalo na kapag ganyan ka. Nakakapanibago saka. . Ewan ko ba. " concerned na sabi niya. Lumapit ako sakanya at agad siyang niyakap.

" Hahaha. Ayan ka na naman sa pagiging sweet mo. Ate, ayos lang ako. Gagaling din ako, hindi nga lang ngayon pero sabi nga nila 'It takes time'. Hindi naman ako nalumpo ah, makakapaghugas pa ako ng pinggan at makakapaglinis kung iyan ang inaalala mo. Wahaha. Relaks!" palatak ko.

Baka kasi ang inaalala niya eh hindi ko na sundin yung schedule namin pagdating sa gawaing bahay. Salitan kasi kami eh. Masipag kasi ako.

" Ayaw ko lang kasi na mawala nang tuluyan yung memory mo kasi kahit na gaano ka pa nasaktan noon, yung mga bagay pa rin na pinaglipasan na ng oras at mga bagay na nalimot mo ay yun din yung humubog sayo. "

" Nasaktan? Hala! Nasaktan ako dati? Sino ang suspek? " napaisip tuloy uli ako. Marahan niyang tinapik ang braso kong nakayakap sakanya.

" Ayan na naman. Sabing wag mag-isip eh. Bayaan mo muna yun. Mareretrieve mo rin yun kapag magaling ka na. "

Sana nga.

---------------------

" Ilan 'to? "

" Dalawa. "

" Eh ito? " at iminuwestra ang kanang kamay.

" Lima. "

" Eh it---"

" Towpangina naman, hindi ako nabulag. Nabura lang memorya ko pero matalas pa ang paningin ko. " pagdidiin ko. Heto kasing lalakeng ito na nagngangalan daw na 'Craig' ay tinetest ang vision ko. Malala na yata 'to, kailangan nang isama sa Oplan Tokhang.

" Bakit ka nga pala nandito sa bahay namin? May kailangan ka kay Ate? Kay Nanay? Tatay? O sa mga cactus namin? " hindi ko pa siya pinapasok sa bahay namin dahil hindi ko naman siya kilala. Nasa taas sila Nanay at nanonood ako ng Adventure Time sa sala nang manggulo siya rito.

" Can I come in first? " pangungusap niya. Mas lalo akong humarang sa pinto. Sabi sa programang sinusubaybayan ko, kapag hindi ka marunong ng kahit isang martial arts, wag daw basta magpapasok ng mga taong ngayon mo lang nakilala nang basta- basta kasi delikado. Infairness, sila lang ang nakaisip niyan ah. Bagong-bago. Ulol!

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now