Chapter Twenty-Six

593 30 9
                                    

Sticky

Hail's POV

  Hay naku, dahil sa katangahan ng dalawa na yun, ayan tuloy, extended ang love story nila.

Kinuwento lahat sa akin ni Ana yung nangyari at mga plano niya.

Oo, naging matalino si Ana pero yung plans, conclusions at style niya, ganun pa rin kaya iniwanan ko na siya sa bahay. Bahala na siyang kausapin ang sarili niya, sanay naman na yun. May sapak eh.

Nagpunta muna akong shop niya. Yeah, buhay pa yung flower shop niya. Pinamanage niya ito kay Ruthy, kaibigan kong mahilig rin sa flowers. May gagawin rin kasi si Ruthy ngayon at dahil nga nakaleave ako ng one week, ako muna ang magbabantay. Kung wala lang talagang trabaho si Ana, gustong-gusto niyang magpunta at magbenta rito.

Binuksan ko na ang shop at ibinukas ang folds mula sa loob.

Nang ibubukas ko na yung pinto para ibaliktad yung Close sign para maging Open sign. .

May tumakbo nang napakabilis papunta sa direksiyon ko at yumakap sa akin kaya napatumba kami sa loob at napasara nang malakas yung glass door.

" Ouch! " daing ko. Ang lakas kasi nang pagkakatumba ko. Buti nga at hindi nabagok ang ulo ko sa flooring kasi nakayakap ang isang kamay niya sa ulo ko. Nadaganan niya ako kaya pilit ko siyang inaangat.

" Sorry, Miss. Sorry. " sabi niya at agad na tumayo sa pagkakadagan sa akin at pinatayo niya na ako.

Naka-shades siya at naka-cap. Parang kakagaling lang sa exer----teka parang kilala ko ito ha?

" Lene. ."

" Jeith. . " sabay pa naming sabi.

Siya lang ang tumatawag sa akin na Lene. Shortcut for Hailene.

" Ayos ka lang? Sorry, hinahabol kasi ako ni Criselda eh. " sabi niya. Inalis niya ang kanyang shades at nakita ko ang pulang-pulang pisngi niya dahil sa pagod kakatakbo.

Hindi ko naiwasan ang pagtitig sakanya. Matagal na rin kasi akong humahanga sakanya, hindi ko lang masabi kasi petor-torpe ako eh.

" Ah. . Ah maupo ka muna. Water? " tanong ko.

Umupo siya sa isang stool at gamit ang bimpo niya ay pinunasan niya ang kanyang mukha at leeg. At heto ako, nganga lang. Lord, nagkakasala po ako. Pasensiya na, magconfess na lang po ako mamaya.

" Yes, please. " sabi niya. Kaya pumunta ako ng mini kitchen at doon kumuha sa maliit na ref ng mineral bottle.

" Here. " saka inabot ko sakanya yun at naupo rin sa katabi niyang stool.

" Sino ba yang Criselda na yan? Nabuntis mo o nautangan mo? " panimula ko. Tinapos niya munang ubusin ang ibinigay ko sakanyang tubig at sinagot ako.

" Hahahaha. No. Ex-girlfriend ko yun na gusto pa rin akong balikan. " sabi niya. Lihim akong napasimangot. Hindi lingid sa kaalaman ko na talagang habulin siya ng babae at marami na siyang naging girlfriend.

Ilang girlfriend na niya ang nakilala ko. Lahat yata ng girlfriend niya kilala ko kasi ewan ko-- parang aksidenteng nakikilala ko sila lahat. Kagaya ngayon.

" Ah. Pasalamat ka hindi nabasag yung pinto, magagalit talaga sa'yo si Ana. "

" Hahahaha. Kaya nga, pero mas mabuti rin na nayakap kita at baka bungo mo naman ang mabasag, pagalitan pa ako ng boyfriend mo. " sabi niya at napapout.

Ang cute-cute talaga ng nilalang na 'to. Hay.

" Hahaha. Patawa ka, sinong magagalit eh wala naman akong boyfriend? " natatawang pahayag ko. Lumaki nang bahagya ang mata niya, sign nang pagkabigla.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now