Chapter Thirty-Eight

623 25 30
                                    

Pain

  Ngayong araw, ako'y nababanas. Biruin mo ah, kahit saan ako magpunta, puro Miss Universe ang pinag-uusapan. Ang mas nakakabuwisit pa riyan, nagsilabasan ang mga hugtero't hugutera. And mind you, mga kabataan ah, ranges 12-20 ganern.

Minsan nga may nagchat sa akin. Ang tanong eh na-Colombiazoned na raw ba ako?

Aba'y talagang binanatan ko, kung pwede nga lang na literal eh ginawa ko na. Ehe. Sinabi kong wala akong pake saka iblinock ko siya ora-orada. Kailangang itanong? Fafanshin lang, Are? Hahaha.

Natatawa na lamang ako kasi yung mga napaasa eh lumabas din. Ang sabi eh, mabuti pa si Steven Curry nag-sorry, eh yung ex raw niya? Ayun, hanggang ngayon wala pa ring pake. Ang tanong ko naman sakanila eh ang galing naman ng TV nila, iba ang naghost eh, Steven Curry daw. HAHAHAHA. Grabe siya oh. Nyahaha.

Pero all in all, masayang-masaya ako kasi panalo ang Pilipinas sa lahat. Pak ganern!

Pero guys, sa totoo lang, ako naman talaga ang pambato ng Philippines diyan eh kaso nga lang may LBM ako nung araw na iyon kaya nagpa-substitute ako kay Pia Binene—este Worchester. Ay ano uli yung apelyido? Ang hirap kasing ipronounce, nevermind na nga lang! Basta si Pia, wag kang ano rito. Hahahaha.

Close kami nun, close na close. Sa katunayan nga, sa akin naman talaga yung swimsuit na isinuot niya kaso kung mapapansin niyo eh medyo maluwang sa akin kasi alam niyo na ahm hindi masiyadong gifted ang aking future. HAHAHA! Move on guys!

Tanungin niyo ako kung bakit ko siya pinahiram, dali!

Ako na nga lang din ang magtatanong sa sarili ko, mga KJ naman kayo eh. Hahaha.

Ms. Ana Franco, why did you let Ms. Philippines borrow your swimsuit attire?

Thank you for that very inspiring question. Can you repeat that? Hahaha. Joke. Why did I let Ms. Philippines borrow my swimsuit attire? Simply because as a good citizen, I am obliged to help not just my countrymen but all human being in all kind of ways and prove that poverty is not a hindrance to become generous.

Oha! Pak na pak!

Sabi sa inyo eh, ako yun. Ako dapat yun. Hahaha! Pero mabuti na rin sigurong di ako ang sumabak doon sa pageant na iyon dahil mabebeast mode talaga ako kay Wally-este sa host. Joke lang. Naaawa nga ako roon sa host, andami agad nambabash sakanya well in fact he is a brave man admitting his mistake. Di ba? So move on na uli tayo.

Nasaan na nga ba ako? Ah tama, nandito ako sa tutorial center. Hindi pa ako teacher ah! Hahaha. Humingi kasi ng favor sa akin si Claire, bantayan ko muna raw si Dee hanggang matapos ang session niya. At ang sabi ko nga kanina kung natatandaan niyo pa, " As a good citizen, I am obliged to help not just my countrymen but all human being in all kind of ways and prove that poverty is not a hindrance to become generous." Haha. Pwede pala itong sagot sa kahit anong tanong ano po? Hahaha. Hindi na ako mahihirapang mag-isip.

Ops teka! Di rin pala sa lahat ng tanong pwede mong isagot yan. Isipin mo kapag tinanong ako ng Presidente kung pwede ba akong maging pain ( Pa-in ah hindi peyn.) sa ISIS group alangan namang isagot ko iyan? Aba! Happy siya! Hahahaha. Itong mukhang 'to pambitag lang sa ISIS group? No way! Alam ko namang maganda ako eh pero kung ganyang usapan, weg nemen.HAHAHA! Umoo ka na lang para lab kita. Hihi.

Oh ayun nga, andami kong satsat, pumayag ako sa favor na iyon dahil wala rin naman akong pinagkakaabalahan ngayon. Yung pinagkakaabalahan ko kasi eh marami ring pinagkakaabalahan kaya ayon, bago ko pa siya maabala, hahanap na lang ako ng pagkakaabalahan para naman hindi ko na siya maaabala. Oh naabala ko ba kayo? Hahaha. Nagkaabalahan na tayo rito oh.

Don't English Me! (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon