Chapter Twelve

1K 36 14
                                    

Red

After one week.

Nagpreprepare na ako para sa pag-alis namin. We will be visiting four orphanage in one day. Sana lang talaga at matapos namin. I know, that will be a very stressful work but later on, it will be paid of.

Maya-maya pa'y tumunog na ang cellphone ko.

Calling: +6391********

Agad ko iyong sinagot.

"Hello?" bungad ko. Tumikhim ang nasa kabilang linya kaya nakilala ko na agad. How can you forget him, Hebe? Kahit nga yata ang tunog ng pag-utot niya, memorize mo pa rin. Foolish.

"Oh, what's the prob, Mr. Oliver?" tanong ko sakanya habang isinusuot ang aking rubber shoe.

"Can I fetch you?" straight na tanong niya na muntik nang ikinahulog ng phone ko. Mabuti na lamang at nakasiksik itong mabuti sa pagitan ng leeg at pisngi ko.

"Hahaha. Do you wanna die early? " tanong ko sakanya.

"Anong problema run?"

" Come on, let's not act dumb here, alam mo namang mainit ang dugo ng pamilya ko sayo. And l don't wanna talk about it. May kotse naman ako. Kaya ko na. But thanks for the invitation though. Kitakits na lang. Bye. " mabilis kong pinutol ang tawag. Bahala siya riyan.

Nagsuot lamang ako ng simpleng black shirt at nag-jeans. Pinagdadasal ko na lamang na sana hindi naka-tuxedo o americana ang kasama ko. Hahaha. Hindi pa kasi yun nakapunta sa bahay-ampunan. Baka tatanga-tanga pa. Hahaha. Joke.

"Alis na po ako, Nay, Tay." pagpapaalam ko. Wala na rito si Ate Hail dahil maaga rin siyang pumasok sa trabaho niya. Alam niyo naman yun, workaholic pa rin.

"Hindi ka na ba mag-aalmusal, anak?" tanong ni Tatay. Nalate kasi ako ng gising kaya hindi na lang siguro ako mag-aalmusal. Mamaya na lang.

"Ah hindi na po. Sige mahuhuli na ako eh. Babuu." sabi ko at sumibat na. Pumunta ako sa parking lot at inilabas ang susi ng kotse ko. Parang kumabog yung puso ko. Hinawakan ko yung leeg ko. Kaya naman pala. May nakalimutan ako. Agad akong nagbalik sa bahay.

"Oh bakit ka bumalik?"

"Ah Nay, may nakalimutan lang po. " tapos agad akong umakyat sa hagdan at tinungo ang aking kuwarto. Nang makita ko ito ay napangiti ako. .

Nandito ka lang pala. Agad ko iyong isinuot sa leeg ko at itinago sa aking damit saka bumaba na at nagmaneho papuntang opisina.

---------------

"So guys, ganito ang setup. By group na lang tayo, since parang wala namang essence ang pagpunta natin sa mga orphanage kapag hindi tayo magtatagal roon. Bawat group ay may nakaassign na orphanage. You need to stay there and dedicate your time with the kids . Para fair, magbubunutan tayo. Whoever got the same color, sila ang magkakagroup. Okay, let's start. " pagpapaliwanag ko. Mabilis naman silang lumapit sa akin at bumunot sa box na hawak ko. Huling bumunot ay si damuho. Nakatingin lang siya sa akin at nag-iwas ako ng tingin. Kinuha ko na ang last stick doon na may kulay.

Pula.

"Sinong nakakuha ng blue?" announce nung isang empleyado. Saka nag-group na sila by color. Parang nasulyapan ko yung hawak ni Jordan. Blue siya. Pero nagtaka ako nang hindi siya pumunta sa mga kagroup niya. Inalis ko na lamang ang tingin sakanya dahil may kausap na siya.

"Okay who got red?" time ko naman para mag-announce. Tapos lumapit sa akin ang isang matangkad na lalake at isang petite na babae. Nakangiti sila sa akin.

"Nice, ka-group natin si Ma'am. " sabi nung lalakeng matangkad. Ngumiti rin yung babae kaya nginitian ko sila. Nauna na yung ibang group na lumabas at kanya-kanya na silang van. Kami ang nahuli dahil kinuha ko pa yung documents sa office ko. Nang makalabas ako. .

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now