Chapter Fourteen

767 30 4
                                    

CO2

Kinabukasan. .

Halos mabasag na ang ulo ko dahil sa kahahanap ng alarm clock na kanina pa rin tumutunog. Hindi ko na kasi matandaan kung saan ko nailagay at naitago. Nakasanayan ko na kasing nagtatago ng alarm clock para nang sa gayon ay agad akong magising, tumayo at para maagapan ko na rin ang pagiging tulog-mantika ko.

Tumayo ako at nakapikit na hinanap kung saan nanggagaling ang tunog.

Kanan. .

Mali!

Kaliwa. .

Diretso. .

Diretso pa. .

Isang hakbang. .

Isa pa----

*BLAAAAG!*

At nadulas nga ako. .

" Aguuuuy!" daing ko. Saka lang ako nabuhayan ng dugo at saka lang rin nagmulat. Narealize ko na kung saang lupalop ako, sa CR. Sinubukan kong tumayo ngunit napadaing muli dahil masakit ang aking balakang.

" Malas. " sabi ko at paika-ikang naglakad palapit sa sink. Doon ko nakita ang aking alarm clock. I immediately hit it.

" Prrr! Prrr! Maff!" ginaya ko si Ashley Tisdale ng High School Musical habang nakatingin sa salamin.

Wag kayong ano rito!

Bagets pa 'to no!

---------------

"Ma'am! Oh my God, Ma'am!" mahinang paghuhuramentado ni Trix. Umistop ako habang nakahawak sa aking balakang. Hindi naman halatang parang napilayan ako kasi yung pagkakahawak ko sa likod ko eh pang-top model. Haha.

"Maghunos-dili ka, babae. Hahaha. Ano ba yun?" sabi ko habang pinapasunod siya sa office ko. Nang makapasok kami sa opisina. .

" Kasi Ma'am pumunta rito yung assistant ni Mr. Craig. At himala yun, Ma'am kasi kalaban natin ang kompanya nila. Pero ang mas ikinagulat ko--este lahat eh yung sinabi ng assistant niya. "

"And that is?" walang-ganang tanong ko habang binubuklat ang mga documents na nasa mesa.

" He likes to meet you and have dinner with you later!" she shrieked. Tinakpan ko ang tainga ko.

" Trix, what's the big deal? And who's Craig by the way? " kung kanina eh excited siya ngayon ay parang hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi ko.

"You mean? Oh my God talaga, Ma'am! Paano kayo nakapasok sa business world na hindi pa nakikilala ang isang Craig Salvatore? "

" Kailangan bang makilala siya? Pero sino siya? Bakit parang big deal sayo?" tanong ko.

" Ma'am, si Mr. Craig Salvatore ang mahigpit na kalaban ni Mr. Jordan Oliver. Siya ang nasa 2nd place sa list ng Hottest Bachelor at siya rin ang may-ari ng tiger company na Rench, sikat na clothing line. "

"Hmm. Interesting. Tell me his flaws. "

" Isa lang ang nakagasgas sa napakagandang identity at personality niya as a businessman. He's a certified PB pero parang hindi naman nagimbal ang mga tao roon, saksakan naman talaga ng guwapo si Papa Craig."

"Hmn. Playboy? Hahaha. Nga pala, andito na ba si Sir mo? " napansin ko kasing nakabukas na yung light sa kabilang room.

"Yes, Ma'am. Sa katunayan, siya nga po ang kinausap ng assistant ni Mr.Craig kanina para nga sabihin yung pakay eh badtrip nga po si Sir eh. Pero what's new? Eh lagi namang badtrip yun. Haha. Nakita kong umalis kanina pero ewan ko lang kung saan po ang lakad."

Don't English Me! (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon