Chapter Thirty-Six

599 24 9
                                    

Warned

Bakit kaya sa tuwing sisikat ang araw, lulubog ang gabi? Senyales na ba ito na pati mga heavenly bodies eh takot na rin magmahal?

Hahahahaha! As usual, humugot na naman ako.

Pinagtripan ko na lamang ang lalakeng nasa aking tabi.

Kinurot-kurot ko ang kanyang pisngi. Hahaha! Namula agad! Sensitive huwaw! Hahaha.

Nakayakap siya sa akin kaya mas lalo kong napagmasdan ang guwapo-- scratch that, napakaguwapong mukha niya.

Oo, dito na siya natulog, babawi raw siya kasi lagi siyang busy. Sa katunayan, okay lang naman na hindi na siya bumawi kasi naiintindihan ko naman. Pero mas okay yata yung bumawi siya kasi nandito siya ngayon sa tabi ko. Hihi. Landi oh!

Maya-maya eh nagvibrate yung phone niya na nasa tuktok lang ng unan malapit sa amin.

Nacurious naman ako. Sinong tao naman ang magtetext sa ganitong oras? Alas-dos palang kaya ng umaga. Pero sabagay, boss nga pala 'tong boypren ko. Ibig sabihin may possibility talaga. Hahaha.

Tinignan ko lang ang screen.

Text message from Sin


Iyan ang nakasulat sa screen. Sin? Ano yan kasalanan? Hahaha. Si Sin ba eh babae, lalake, shokler o tomby? I dunno. Haha. Matanong nga mamaya 'tong si Dragon.

Pero maya-maya eh nagring yung phone niya.


Calling: Sin

Tinapik-tapik ko sa balikat si Dragon para magising siya. This call seems important.

Maya-maya eh nagising siya pero nagsumiksik lang siya sa akin at ipinatong ang mabigat niyang hita sa aking mga hita.

" Hoy may tumatawag , Sin daw." pagkasabi ko nun ay napabangon siya.

Kinuha niya yung phone saka inayos ang buhok. Tumayo siya at akmang lalabas.

" Sino yan? " tanong ko muna.

" A business partner I'm waitin'. I need to answer this call. Excuse me, baby. " sabi niya saka lumabas ng terrace.

Naiwan ako roon. Well, busy-busyhan na naman ang Dragon. Ano kaya puwedeng gawin?

Ah alam ko na!

Ibinukas ko ang wifi namin saka ininstall ang larong iyon sa aking phone.

Are you ready?

Yes No

Iyan ang pambungad na tanong. Mabilis kong pinindot ang yes. Ang nilalaro ko ngayon ay ang Who Wants To be A Milyonaryo?

Yes, iyan ang tagalog version ng Who Wants to be a Millionaire. Nakita ko minsan na nilaro yan nung empleyado kaya ako naman na inggitera eh gumaya. Hahaha. Matry lang naman eh.

For 500 pesos, answer the following question.

Kung ang anak ni Marian Rivera ay tatlo, pang-ilan ka?

a. Una

b. Pangalawa

c. Pangatlo

d. Wala akong pakialam.

Alam ko sagot dito. Ako pa!

Pinindot ko ang letter d.

Pero. .

Isang malaking x ang tumambad sa akin. Tae naman! Tama naman ang sagot ko ah!

The correct answer is, wag kang ambisyosa, hindi ka anak ni Marian Rivera!

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now