Chapter Twenty-Two

662 33 8
                                    

Internet

" Im so sorry. Hindi na ako nakapagpaalam kasi nagmamadali ako. " paumanhin ko.

" Nah. You broke my heart, Hebe. Kahit nagtext ka man lang sana. Im so worried about you." nagtatampong sabi niya sa kabilang linya.

" I know, I know. Sorry nga di ba? "

"  So that means na si Jordan na ang pipiliin mo? " he asked straightly. I gulped.

" Ahm. Hindi naman sa ganun. Pero Dro, I want to be honest with you. Natandaan mo pa ba yung tinanong mo ako kung sakaling babalikan niya ako? "

Nasa couch kami at nanonood ng Vampire Diaries. Then suddenly he asked me a stupid but relevant question.

" Hebe, paano kapag bumalik si Jordan at kunin ka sa akin? Would you go back to him?" tanong niya. Nakasandal ako sa braso niya kaya nagtaas ako ng tingin at tinitigan siya.

" Ha! Parang sinabi mo na rin na lumilipad ang mga baboy at lumalangoy ang mga pusa! I will never go back to that asshole. " mas malinaw pa na sabi ko.

" Really? Haha. Then I guess my doubts will vanish. " sabi niya.

  Iyan ang pag-uusap namin dati noong kami pa.

" Natatandaan mo pa ba yun? " untag ko uli.

" Yeah. Bakit yun? " takang tanong niya. Huminga ako ng malalim.

" You know what, I'll be honest with you. Nitong mga nagdaang araw, I saw pigs flying. "  I said figuratively.

" That means. . Ouch, you're dumping me. " nasasaktang sabi niya, naramdaman ko.

It was hard to let him go pero masasaktan ko lang din siya at ganun din si Jordan.

" Kapag nakakita na ako ng mga lumalangoy na pusa, I'll let you know. I don't wanna hurt you kaya nagpapakatotoo ako. " nahihirapang sabi ko sakanya.

" I guess I know what will happen next. At kapag nangyari na yun, I'll accept defeat. " he was too down because of my metaphors. Of course, hindi ko masabing binubusted ko na siya ng direkta kasi masakit rin sa akin. At isa pa, hindi pa naman ako sure kung si Jordan nga ang pipiliin ko sa huli because we don't hold time.

Pero sa puso ko, 88% na nakapasok na si Dragon. But lemme tell you, that 12% percent is powerful, it may twist and change the whole thing kaya kailangang mag-ingat ng Dragon na iyon.

I do have trust issues so I make sure na sa huli, it's a win-win situation. Who would want to be broken again, right?"

" Sige, Hebe. I just want you to know that I respect your decision. Gusto lang kitang sumaya. Good bye. Take care. " sasagot pa sana ako kaso binaba na niya agad ang telepono.

" Haaaaaay." malakas na pagbuntung-hininga ko.

  Nandito ako sa opisina ngayon. And right now, this bastard is staring at me through this glass wall, kanina pa.

I raised my hand and give him a finger.

Napatawa siya at napailing. Para kasing tanga, nakakairita kaya, para siyang manyak na tumititig sa kanyang suspect,

Correction: Guwapong manyak. Hahaha.

Pinagmasdan ko rin siya nang hindi na siya nakatingin sa akin.

I smiled.

  Pero nabigla ako kasi bigla-bigla  siyang lumingon! At nakangisi siya at nagposturang baril ang kanyang mga kamay and he mouthed 'Bang!' like a police who caught a kidnapper.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now