Chapter Twenty-Three

805 29 2
                                    

Hundred

Sabado. .

4:00 AM na at maagang nagpnta rito ang mag-asawang si Glint at Thalia, siyempre andito na rin ang Porebs Couple. Hahaha. Sa katunayan, 7:00 AM pa ang alis namin pero dahil hindi talaga sila excited, nandito na sila at nanggugulo. Maaga dapat talaga kami kasi mahabang biyahe yun. Ako naman eh pumanhik pa sa taas at naidlip pa kasi napuyat ako kakachat kagabi.

Buset na internet yun! KJ! Hindi ko tuloy nakamusta sila Gertrude at Gray. Tss.

*Knock* *Knock*

" Steph! Mamaya pa sabi ako babangon eh! Kakulit ng tae mo! " singhal ko pero siya eh tumuloy na agad dito sa loob dahil hindi naman nakalock ang pinto.

" Ito naman, hindi naman kita pinapalabas ah. Bonding naman tayo, hindi na tayo nagkakausap, masiyado ka nang busy." nagtatampong sabi niya sa akin. Napalingon ako sakanya at napangiti. Nagtatampo ang bestfriend ko. Hahaha.

Tumakbo ako sa CR saka maya-maya eh lumabas rin ako.

" Leche ka talaga! Iwanan ba naman ako. Tss. " galit na sabi niya. Tumalon ako sa kama at nakaupong humarap sakanya.

" Shungaers, gusto mo bang mamatay? " tanong ko.

" Bakit naman ako mamamatay eh kakausapin lang naman kita? Ikaw ang shunga. "

" That's the point! Hindi pa ako nagtoothbrush nun! Pano kung mamatay ka? Huh?!" tapos natawa rin siya. Ay bungol.

" Hahaha. So ano na? Nagbalikan na ba kayo ni Jor---ni ex mong Dragon? "

" Nag-iingat ah, ayaw maghulog sa garapon. Hahaha. Hmm hindi pa no. " natatawang palatak ko.

" Eh bakit dinala mo siya rito noon? Bakit parang di ka na galit? Sige nga. " Hay bestfriend ko talaga 'to, mausisa eh.

" Kasi nga, napatawad ko na siya. Alangan namang napatawad ko na siya eh maggagalit-galitan pa ako? Hindi hiding yun, kabungulan na yun. " I hissed.

" Nye. Eh di sasagutin mo na? Magiging kayo na uli? " tanong niya na nakangiti na rin.

Kinutkot ko yung kuko ko.

" Ahm. Maybe yes, maybe no but totally I don't know. " at nabato ako ng unan. Hahaha.

" Gaga. Hahaha. Grabe, kayo rin pala uli sa huli. "

" Bakit ending na ba? "

" Huh? "

" Wala. Bakokol. Slow mo. Hahaha. "

" Siguro naman eh wala nang aberya diyan sa lovelife mo. Alangan namang saktan ka pa nun eh nakita mo naman ang napakalaking effort niya. Pakatatag na lang. "

" Ge, kapag kami na. Hahaha. "

" Bababa na ako. Magbihis ka na at ilang oras na lang eh aalis na tayo. Bye. " sabi niya at lumabas na siya.

Nagbihis na rin ako at naghanda ng mga gamit.

*Knock* *Knock*

" Nakanamputch! Bababa na nga sab---"

" Tss. Sigaw nang sigaw 'tong mahal ko oh, ke-aga-aga. " nakasandal na siya sa gilid ng pintuan wearing his famous smirk.

At keaga-aga eh pinahahanap mo na ang anirola ko. Tss. Kilig ka naman! Hahaha.

" Oh ikaw pala. Aga natin ah. " asar ko. Eh 5:30 na kaya, sabi niya maaga siya, akala ko pa naman mga 5:00 ganun. Hahaha.

" Sorry, tinapos ko pa yung trabaho ko for the whole week para di hassle at para walang istorbo. " sabi niya. Impressive.

Don't English Me! (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon