Chapter Three

1.1K 37 1
                                    

Delivery

"Naboboring na ako. " pahayag nitong si Dragon. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga bulaklak na inorder nung kliyente ko habang siya ay nakaupo sa stool at ikot nang ikot.

"O di mag-jackstone tayo." sabi ko.

"Tss. " Hahaha. Sabi ko na nga ba, iyan ang isasagot niya.

"Ano bang gusto mong gawin?" tanong ko sakanya.

Ngumisi siya. Loko to ah!

"Hoy! Kung ano man yang nasa utak mo! Pwes! Ayoko! " singhal ko sakanya.

"Asa, Ana. Asa. Hahaha. Ewan ko. Gusto kong magpunta ng Vigan o kaya'y Palawan. Hindi ko alam. " nababagot na siguro 'tong masiyado.

"Gusto mo sa Mamasapano? Maganda roon. Hindi pa man tayo nakakarating eh may fireworks ng magwewelcome sa atin. Hahahaha."

"Tss. Seryoso nga kas--"

"Special Delivery. " naputol ang pag-uusap namin nitong si Dragon nang may pumasok dito sa Shop na delivery boy.

"Ma'am kayo ba si Ms. Franco?" tanong nung lalake.

"Tanungin mo siya. Baka siya yun. " turo ko kay Dragon at pinanlisikan ako ng mata.

"Hehehe. Ako nga. Anong kailangan mo? Wala naman akong utang sayo ah." sabi ko roon sa delivery boy.

"Wala nga po Ma'am pero may nagpapadeliver lang po nito para sainyo." tapos inilabas niya yung isang bouquet. Napakagandang bouquet.

"Hala. Para sa akin talaga? Baka nagkakamali ka?" nagtatakang sabi ko tapos nilingon ko si Dragon. Hala! Galit siya. Nakatingin siya ng masama sa akin at sa bouquet.

"Para sainyo po, Ma'am. Pirmahan niyo na lang po ito." sabi nung lalake. Pumirma na ako para makaalis na siya.

"Nagpapaligaw ka kahit na may boyfriend ka na? Ayos ah. " iyan ang sambit niya agad.

"Hindi ah. Malay ko ba kung sinong nagbigay nito. "

"Tss. "

Umupo ako dun sa desk at kinalkal ang bouquet. May card nga. Binuksan ko iyon.

To the lady from the flower shop,

It was nice seeing you again. I missed you. Gusto kitang lapitan but chance won't allow me. But someday. . Some other day. .Maybe. .

- Ian L. Ordee

"Who's Ian?! "

"AYY PINYA!" nagulat na sabi ko. Nasa likod ko na pala siya at nakikibasa.

"Teka nga. Wag ka nga munang magalit. Ni wala nga akong kaibigang Ian eh! Lalo namang walang may apelyido ng Ordee! Kumalma ka." paliwanag ko.

"Tss. Itapon mo na nga yan." utos niya.

"Ayoko nga. "

"Sige aalis na ako." paalis na talaga siya pero pinigilan ko siya sa kanyang abs--este sa braso.

"Asows. Hindi ko itatapon pero pag-aaralan ko muna pwede? Ang ganda kasi nung arrangement eh. " tapos niyakap ko siya.

"Wag kang magselos. Be optimistic." bitaw ko. Batukan ba naman ako!

"Hoy nakakarami ka na ah. Never pa akong binatukan ng magulang ko!" tapos tumawa siya. Bipolar.

"Problema mo?" nakakunot-noong tanong ko sakanya.

"My girlfriend is so smart." tapos hinalikan niya ako sa noo.

"Talaga. Kaya masuwerte ka because you are lucky. " tapos nagtawanan kami.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now