Chapter Nine

870 42 13
                                    

Teleport

Isang linggo.

Isang linggo ang tiniis ko.

Isang linggo kong itinago ang sakit.

Isang linggo akong ngumingiti ng pilit.

Hindi ko kayang sabihin kay Ate Hail. Mabuti sana kung hindi si Ate Hail ang babae ni Jordan, kaya ko pang kumprontahin, pero si Ate, hindi ko talaga kaya.

Ganun pa rin naman ako makitungo kay Jordan. Kami pa rin pero tuwing sinasabi niyang mahal niya ako, isang ngiti lang ang isinasagot ko sakanya.

Ako na siguro ang pinakatangang babae sa mundo dahil kahit na sinasaktan niya ako ay mahal ko pa rin siya.

Minamahal ko pa rin siya.

Minsan nga naidasal ko na sana hindi ko na lang nalaman na may relasyon sila dahil mas nasasaktan ako. Sana hindi ko pa alam dahil kahit na patago ang relasyon nila, ayos lang basta hindi ko alam. Tanga nga siguro ako at masokista.

"Anong plano mo, Ana?" kausap ko si Steph ngayon, nasa bar ako. Wala akong kasama, tumakas lang ako. First time ko lang mag-bar dahil gusto kong makalimot.

"Wala, iinom lang ako. " sagot ko.

"Wala kang kasama riyan, baka mapahamak ka. "

"Ako pa, malakas yata 'to. Pabayaan mo, mag-iingat ako. " pag-aassure ko.

"Basta tumawag ka kapag may problema ha. "

"Oo, basta. Bye." inend ko na ang call.

Hindi naman talaga ako umiinom pero walang hindi nagagawa ang taong nasaktan. Nandito lang ako sa isang table. Masiyadong maingay, pero mas mainam 'to kaysa tahimik dahil bibigyan lang ako ng dahilang umiyak. May mga lumalapit sa aking lalake pero hindi pa man nakakalapit sa akin ay pinanlilisikan ko na ng mata.

Maya-maya ay nagvibrate na naman ang phone ko. Hindi ko na tinignan ang caller.

"Sabi namang okay lang ako, Steph. "

"What?" sagot niya. Agad kong tinignan ang screen. Hindi pala si Steph.

"Ah. Ah ikaw pala, Jordan. Napatawag ka?" tanong ko habang pinasisigla ang boses.

"Nasaan ka? Bakit ang ingay? " tanong niya.

"Ah. .Ah nasa birthday party ako, kasama ko yung ibang kaklase ko. " pagsisinungaling ko. Hindi ako marunong magsinungaling pero gaya nga ng sabi ko, walang hindi nagagawa ang taong nasaktan.

" Ah. .Ah ikaw? Bakit maingay rin ang background?" tanong ko. Naririnig ko rin ang malalakas na tugtog.

"Im with my friend. Mag-ingat ka riyan ha. Call me kapag gusto mong magpasundo. Orayt?"

"Hmn sige. " sagot ko na lang saka tinapos ang tawag.

Nakakadalawang bote palang ako ng alak . Hindi ako malasing-lasing! Nakakainis! Pati yata alak nananadya.

Kaya inilibot ko na lamang ang aking paningin sa kabuuan ng bar.

May nakita akong sofa. Gusto ko sanang pumunta doon para mas relax kaso may naaninag ang aking mga mata.

Si Jordan. May kasama siya pero lalake na sa pagkakaalam ko ay si Greg, Gregory. Tumayo sila at animo'y lalabas.

Ewan ko ba pero sinundan ko sila.

Dinala na lamang ako ng paa ko sa labas ng bar. May isang malaking poste roon at nakita ko silang nakasandal sa kotse habang umiinom ng alak.

"So bakit bothered ka?" tanong nung Gregory. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nila dahil malapit lang ako at malakas ang kanilang boses.

Don't English Me! (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon