[BR 40]

707 56 13
                                    

R A F F Y

Before Rosa 40

○○○

Ilang baso ba ng wine ang nainom ni Dino at umabot ng 1K ang binayaran ko? I thought as I took the long way back to the café where Monic and Sia are meeting. Sinusubukan kong gawin ang math pero hindi talaga ako magaling do'n, so I gave up.

Then, I noticed that I was holding a paperbag.

Oo nga pala, isip ko. Nagtake-out ako para kay Sia, in case na hindi sila kumain ni Monic.

Napailing na lang ako sa 'king sarili. Tumatanders na siguro 'ko, nagiging ulyanin na.

Habang naglalakad ako sa may cinema ay nakaramdam ako ng vibration sa 'king bulsa. I quickly reached for my phone, thinking it was Sia. Nadisappoint ako nang makitang hindi, but opened the message with genuine curiosity when I read Kei's name.

i'm home bishesss. i wanna see u on the 15th. pls make time for me. uwu, they said.

Grinning, I typed, Tinanong mo si Mameh?

can't decide on ur own teh? was their immediate respond.

😒 Tanungin mo na lang. Or else I won't go.

Tumabi ako nang may mag-excuse me sa likod ko. Narealize kong bumabagal akong maglakad katetext kaya naghanap muna 'ko ng mauupuan bago chineck ang kaniyang reply.

Kei said, asfghssuwagaga. ayoko na maging friends sa couple. ginagawa akong tulay amp.

Napailing ako. Pinagsasabi mo? sagot ko.

sia literally said "anong sabi ni raffy?" like, wtf. bakit ang landi ninyooooo?

Natawa ako. My heart warmed up a bit because of that simple consideration. Kaines.

But wait--

She replied to you? tanong ko.

yah. Then, they added, bakit saan ba kayo at hindi kayo magkasama?

Nag-isip ako saglit. I tapped my phone against my chin as I thought. In the end, napagdesisyunan kong sabihin na rin kay Kei ang lahat.

It's meet the exes day today, sabi ko.

PAKIEXPLAIN, LABYU

Napairap ako sabay reply, I met with Dino while See met with Monic. For closure.

CLOSYUR?! BIG WORD

GAGA! But after sending, I immediately added, Wait, is gaga okay? Ano ba ang gender neutral ng gago?

NAKAKAINIS KA.

but thank you for considering my gender, raffy dear, dagdag niya. walang gender neutral ang gago kaya wag mo 'kong tawagin n'yan.

Before RosaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora