[BR 5]

995 58 36
                                    

S I A
Before Rosa 5

○○○

Hindi ako iyakin na tao. Pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang magpakita ng kung anong kahinaan sa mga nakapalibot saakin. Bata palang kasi alam ko nang walang patutunguhan ang pagngawa. Imbes na umiyak, ang mas magandang gawin ay mag-isip ng paraan para maging better ang sitwasyon.

I was trained that way, since I had no choice but to go forward. Ate ako eh.

Pero sa oras na isara ni Raffy ang pinto ng kaniyang kuwarto ay gumuho na ang makapal na dingding sa palibot ko. Lumapit ako sa pintuan at nilock ito. Kinuha ko rin 'yung unan na tinapon ko. Then I walked back to the bed and laid in there, hugging the pillow close to my chest.

Hindi ko maisip kung paano at ano ang pwede kong gawin para maging "better" ang sitwasyon ko ngayon. I thought that if Monic leaves me, I'd finally be free and that I'd be happy. But the 2 years of being together is not nothing. I think I gave myself more credit than I deserved.

Also, I'm pregnant. Kumusta naman kaya 'yun? I used it as a reason to push Monic away but now, what? Ano nang sunod?

Hopeless and helpless, I let myself cry.

But I swore that it would be the last time. Bukas, dapat may solusyon na.

○●○

Early morning the next day, I woke up with a headache. Naramdaman kong umakyat ang kinain ko kagabi palabas ng lalamunan ko. I got up quickly and ran downstairs. Dimiretso ako sa nag-iisang CR ng apartment.

"Mamshie, okay ka lang?" inaantok na tanong ni Raffy mula sa pintuan ng banyo. Mukhang nagising ko s'ya.

"Morning sickness," I murmured before hurling another round of half-digested food and liquid.

Lumapit siya't hinagod ang likod ko. Inayos niya rin ang mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko.

"Hmm," I hummed later, tapping his hand. "O-okay na ako. Patulong nalang."

I raised my arms and he helped me stand. Nagmumog muna ako sa sink bago lumabas. Nakaabang siya saakin sa may pinto. "You need anything?"

Nanghihina kong itinaas ang aking kamay, sinasabing "sandali". Pumunta ako sa sala at sumalampak sa sofa habang nakasunod siya saakin. I looked around. Nakita kong nandoon pa ang unan at kumot na ginamit niya sa pagtulog.

"Pahinga ka na muna. I'll make you breakfast," ani Raffy.

Nanghihina akong tumango. Inalalayan niya ako pahiga at saka niya ako kinumutan. He also wiped a few beads of sweat on my forehead. Hindi ko namalayang pinagpawisan na pala ako ng malamig.

"Wake me up before 6," bulong ko kay Raffy. Kailangan ko pa kasing pumasok sa trabaho.

I don't know if he agreed, though. Ang huli kong naalala ay ang kaniyang paghum sa tabi ko habang sinusuklay ang aking buhok. Hindi nagtagal ay nakatulog na ako sa pangalawang pagkakataon.

Paggising kong muli ay tanghali na. Ramdam ko na ang init na dumidikit sa'king katawan. Napamura ako sabay bangon. Bakit hindi ako ginising ni Raffy? Sabi nang may klase ako ngayon. Hanggang kahapon lang ang paalam ko.

Hinanap ko ang cellphone ko. Natigilan lang ako nang maalalang nasa kuwarto nga pala ito. Kaya ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa ibang bagay.

Naamoy ko mula sa sala ang niluluto ni Raffy. Amoy pinipritong isda.

Pinuntahan ko siya sa kusina. Nakita ko siya sa may lutuan suot ang isang black na muscle shirt. Hindi ko makita ang pambaba niya dahil natatakpan ito ng counter. Mukhang nakaligo na siya kasi iba ito sa suot niya kagabi. Sa pagkakaalala ko'y naka white t-shirt siya at blue shorts nun.

Before RosaWhere stories live. Discover now