[BR 26.5] - an extra scene

743 63 30
                                    

R A F F Y
an extra scene

○○○

Kevin visited me at the hospital. Kami lang ang narito dahil lumabas sina Nanay at Sia para bumili ng makakain. Si Jerald naman, may klase.

Nagsecellphone si Kevin sa isang tabi habang maya't mayang tinatanong ako ng kung ano-ano. Samantala, nakaupo naman ako sa hospital bed, nagbabasa ng libro tungkol sa Sikolohiyang Filipino (Filipino Psychology).

"Raf," tawag niya maya-maya. Inilipat ko muna ang page ng binabasa ko bago siya tinapunan ng tingin.

"What's your love language?" he asked, smiling. Kung sofa siguro ang kinauupuan niya'y nagba-bounce na siya ngayon. Pero dahil monoblock lang 'yun ay nagkasya siya sa pagngiti nang malawak.

Napailing ako. Minsan, parang bata talaga 'to si Kevin.

Pero hindi rin naman ako nagrereklamo. Sa gitna ng tension namin ni Nanay at sa katarayan ni Sia, kailangan ko ng breath of fresh air.

"Love language?" kunot-noo kong tanong. "Ano 'yun?"

"Love language," he said as-a-matter-of-factly. "Psychologist ka, 'di ba? Ba't di mo alam 'to? Psychology chuchu ito eh."

Napailing nalang ako sa kaniya. "Psychology chuchu... sabihim mo nalang kung ano."

He clicked on his phone and read something. "Five love languages: words of affirmation, acts of service, receiving gifts, quality time, and physical touch." Tapos, umangat ang tingin niya sa 'kin. "Alin doon ang sa 'yo?"

I thought about it. "I'm not sure. Ni hindi ko nga gets kung anong ibig sabihin ng mga 'yan eh."

"Ganito kasi 'yun, 'yung love language mo is the way you communicate your romantic feelings to others. At the same time, 'yun din ang gusto mong love na ma-receive galing sa kanila."

Nang matapos siya sa pag-eexplain ay nakatanga lang ako. "Give me the link and I'll read it myself," sabi ko sabay baba ng libro. Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table. "Dali."

"Ih," react ni Kevin. "Ganito nalang. Sabihin mo sa 'kin kung alin sa statements ang may pinakamalakas na impact sa 'yo. Ready?"

For a second, in-assess ko kung gaano kaseryoso si Kevin sa mga pinagsasabi niya. Pero nang marealize kong hindi titigil si Kevin hanggat hindi ko sinasakyan ang trip niya ay tumango nalang ako.

"Okay," ani Kevin. Umayos siya ng upo bago magpatuloy. "Number one: 'Your coffee is delicious.'"

"Uh... thank you?" I said awkwardly.

Tumawa si Kevin. "Hindi! Huwag kang sasagot! Babasahin ko lang lahat tapos sabihin mo sa 'kin kung alin ang pinakagusto mong marinig."

"Sige. Sorry," I chuckled.

"Okay, number two: 'Here's a coffee.'" Ginawa niya pang cup ang kaniyang kamay at itinulak iyon papunta sa 'kin. Nakangiti rin siya kaya ngumiti rin ako.

"Next," sabi ko. I'm starting to find it funny.

Nagpatuloy siya sa pagsabi ng mga statement. Nang marating niya ang number five, he said, "I made you coffee."

I stiffened. A memory came to me -- a memory of Sia admitting that she was the one who cooked our meal. Tapos, iyong sa ospital, noong nagwawala si Sia dahil akala niya'y may amnesia ako.

A warm feeling spread throughout my body coming from deep within my heart. Those little things...

"Anong love language 'yung last na sinabi mo?" tanong ko kay Kevin.

Tumingin siya sa phone niya at binasa ang nakasulat. "Acts of service," he said.

Tumango ako. "That's it. That's my love language."

●●●

A/N: dapat kahapon ko na rin 'to ipopost kaso biglang nawalan ng connection ang phone ko :/ sorry ngayon lang.

Anyway... this conversation made me miss Kevin for some reason. Aaahhh huhuhu ): Gusto ko na tuloy isulat ang book 3 ng kwento nila ni Erika. Pero... haaaay. It can wait. Sia and Raffy muna hahahaha.

Anyway, stay safe you all. I'm not having a good week but I hope you are.
-A. 💜

Before RosaKde žijí příběhy. Začni objevovat