[BR 14]

739 62 39
                                    

R A F F Y
Before Rosa 14

○○○

Iniwan ko si Sia saglit sa kuwarto ko para makapagpahinga siya. Napapailing nalang ako sakaniya. Hindi niya naman kailangang magkunwaring okay siya. Ramdam ko naman, eh.

"Kuya, hinahanap ka ni Nanay," ani Jerald nang magkasalubong kami sa hagdan.

Tumango ako. "Ah, Jhe. Pwede ka bang tumambay muna sa itaas? Pakitingnan si Sia. Baka kasi tumakas ang babaita."

Kinunotan niya ako ng noo. "Bakit naman?"

"Akala niya kasi hindi ko mapapansin na kanina pa siya nag-sstress eating. I'm sure maghahanap 'yun ng way para maka-fly, fly away. Pakitinginan na, please?"

Nagkibit-balikat lang naman siya. "Okay."

Nagsimula nang umakyat ulit si Jhe. Ako naman, bumaba na para hanapin si Nanay.

Pagkababa ko ng hagdan, napansin kong nag kukumpulan na sina T'yo Gary kasama ang ibang mga lalaking nakikisaya sa birthday ni Nanay. Ibig sabihin, tapos na ang kainan at simula na ang mahabang inuman.

Nilapitan ko si Nanay. Nagliligpit siya ng mga pinagkainan sa isang mesa.

"Nay," tawag ko sakaniya. "Bakit ikaw ang naglilinis n'yan?"

Saglit niya akong pinansin bago nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. "Eh sino ba ang sa tingin mong mag-aayos nito?"

"Sina Trina." Sumulyap ako sa pinto ng kusina. "Nasaan na ang mga julalay mo?"

Tumuro si Nanay gamit ang kaniyang nguso. "Ayun," aniya.

Sinundan ko ang nguso niya. Sa kabilang side ng kainan, nagkumpulan ang mga babae para magbaraha. Sa tabi ng bawat isa ay isang bote ng San Mig Light.

"Naaay, ang aga pa." Nagsimula akong magmartsa papunta sa table nila para hilahin isa-isa ang mga buhok ng empleyado ni Nanay pero pinigilan niya ako.

"Shh!" aniya sabay iling. "Hayaan mo na."

Tumaas ang isa kong kilay. "Eh, kakausapin dapat kita sa itaas."

Umiling lang si Nanay. Tinuro niya ang ilang plato sa mesa bago kinuha ang ilang isinalansa niya kanina. "Mamaya na. Tulungan mo muna ako rito," aniya sabay iwan sa akin.

Napakamot nalang ako sa noo. Wala na akong ibang nagawa kundi sumunod.

Habang nagpupunas kami ng mesa, napatingin ako kay Nanay. "Nay, noong buntis po kayo sa akin, anong mga naramdaman n'yo?"

Inangat ni Nanay ang kaniyang tingin sa 'kin. "'Yan na ba ang sasabihin mo? Isa nanaman ba 'to ro'n sa mga pinapasagutan mo sa akin noong nag-aaral ka pa, tungkol sa relevant events sa buhay mo?"

Nagkibit balikat ako. "Parang ganoon na nga po."

Pinagmasdan ako ng mabuti ni Nanay bago lumipat sa kabilang table at nagsimulang magpunas doon.

"Noong buntis ako sa 'yo, kinailangan naming magpakasal agad ng tatay mo kasi nga pinilit ng Lolo Pio mo."

"Kasi nga, mapupusok kayo," dugtong ko habang kumikembot papunta sa kabilang table para punasan ito.

Natigilan si Nanay. Tiningnan niya ako ng masama. "Kasi malikot ang kamay ng tatay mo!" duro ni Nanay sa 'kin gamit ang trapong gamit niya pamunas.

"Oh, Nay. Chill, hindi ako si Tatay," sabi ko sabay talikod sakaniya. Napangiti ako sabay bulong, "I'm sure naman na nag-enjoy ka rin, eh."

"Asus," biglang lapit ni Nanay sa akin. "Parehong pareho kayo ng tatay mo. 'Yan din ang sinabi niya nang halos pukpokin ko na siya pagkat alam kong hahabulin kami ng itak ng tatay ko."

Before RosaWhere stories live. Discover now