[BR 18]

755 68 53
                                    

R A F F Y
Before Rosa 18

○○○

Before we went to Sia's parent's house, we agreed on dropping by the church. Namangha kasi ako sa simbahan nila. Hindi ko man iyon napagmasdan nang matagal nang daanan namin kahapon ay napansin kong Spanish Era church iyon. I wanted to see it. Magwiwish ako.

"Kailangan ko bang magdala ng first aid kit papunta sainyo?" tanong ko kay Sia habang nag-aayos ako ng mga ginamit kong damit kagabi.

Napatingin si Sia sa 'kin mula sa harap ng salamin. Naglalagay siya ng lipstick. "Tingin ko. Baka masapak ka ni Papa eh," aniya. Hindi ko sure kung biro ba 'yun o advice.

I decided to bring it. Hindi naman masamang maniguro, hindi ba?

Dinala ko na rin iyong pula kong balabal. Baka kasi mainit sa simbahan.

"Saan ba tayo maglalunch? Sa dati?" tanong ko sakaniya. Isinara ko na ang zipper ng bag saka tumayo hawak-hawak ang ng first aid kit at balabal.

Ibinalik niya ang mga ginamit na make-up sa pouch saka ako tiningnan. "Gusto mo bang kumain ng seafood?" tanong niya.

Nagningning ang mga mata ko. "Meron?"

Sia smiled. Tumalikod siya sa 'kin at isiniksik ang pouch na hawak sa kaniyang bag. "Meron. May masarap na kainan malapit sa port," aniya nang hindi lumilingon sa 'kin.

Nag-fist pump ako. "Yes!"

Pagkatapos naming mag-ayos ay lumabas na kami ng kwarto. Hiningi ni Sia ang susi ng kotse sa akin.

"No. Ako na," sabi ko sabay lock ng pinto. "I'll drive us there."

"But I want to drive," pilit ni Sia.

Pagkatapos kong sarhan ang pinto ay hinarap ko siya. Nakatalikod siya sa 'kin pero naka-extend ang kaniyang kamay. Hinihingi niya parin ang susi.

Pinalo ko 'yun. "Ako na nga sabi eh," pilit ko saka nauna nang maglakad.

Sia caught up to me. "Mas madali tayong makakapunta sa amin kung ako ang magmamaneho."

"Nagmamadali ba tayo?" tanong ko sa kaniya. "Kapag kamatayan ang pupuntahan natin, dapat ay hindi tayo nagmamadali."

Sumimangot siya. "Hindi ako nagmamadali. Naiinip lang ako sa 'yo," aniya.

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad kami palabas. Mukha ngang hindi siya mapakali. Her hands kept clutching on the ribbon belt of her wraparound denim dress. Tapos aalisin niya 'yun kapag narerealize niya.

I sighed loudly. "O s'ya," sabi ko sabay bigay sa kaniya ng susi.

Sia took it and beamed at me like a little kid. Excited siyang pumunta sa driver's seat pagdating namin sa sasakyan.

Pagkapark ng sasakyan sa labas ng simbahan ay bumaba na kami. I took a moment to admire the structure.

"Bakit ka ba natutuwa jan eh ilang Pilipino ang namatay para magawa ang mga simbahang katulad n'yan?" tanong ni Sia. Natatakpan ng sunglasses ang kaniyang mga mata pero alam kong nakakunot-noo siya.

Sinimangutan ko siya. "KJ ka, Mami. Oo nga't may mga namatay dahil sa Polo. But don't you think that just gave these churches new meaning? Lalong dapat i-appreciate dahil literal na dugo at pawis ang ibinuhos sa mga dingding na ito."

"Stop romanticizing it. People didn't want to do it out of good will. They died due to slavery," aniya sabay iwan sa 'kin.

Before RosaWhere stories live. Discover now