[BR 15]

770 70 40
                                    

S I A
Before Rosa 15

○○○

Biyernes ng hapon, pagkatapos ng klase, naghahanda na ako ng mga gamit para umuwi nang tanungin ako ni Ms. Rebecca, English Professor sa department namin, kung may plano ba ako tonight. Birthday kasi ng isa naming ka-department at magpapakain ata ito.

Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti. "May plano po ako ngayon eh," sabi ko. Pupunta kami ni Raffy sa Rosalie's ngayong gabi sa imbitasyon ni Tita Sally. Inaayos ko na nga ang mga gamit ko kasi nagtext si Raffy na papunta na siya rito.

"Date?" singit ni Merie, iyong co-teacher kong batchmate ko rin noong high school. Nakangiti ito sa 'kin na parang nang-aasar pa. 

Umiling ako. "Kasama ko kaibigan ko."

"Sayang naman," ani Ms. Rebecca. "Sige, enjoy ka, See. Tatanungin ko pa 'yung iba."

"Opo. Kayo rin po," ngiti ko sakaniya. I watched her turn to our other co-teachers to ask them if they're free.

"Hindi ka pala umuwi last week," ani Merie maya-maya, dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Nag-aayos na rin siya ng mga gamit, kayaga ng iba pa naming ka-department na nasa faculty room ngayon.

Kumunot ang noo ko sa kaniyang tanong. "Anong meron last week?"

"Fiesta," simple niyang sagot.

"Ah... yeah." Napakamot ako sa tainga. "May pinuntahan ako last week."

Tumango-tango si Merie. "Pumunta ako sainyo. Pero hindi ka na-mention ng mama mo," aniya.

I clenched my jaw. Does she really have to say that? Tumango nalang ako bilang sagot.

"By the way, do you have a new girlfriend?" tanong pa niya.

I stopped and studied her. Inisip ko kung saan magandang simulan ang pagbugbog sa kaniya. Sa tiyan ba para patumbahin siya? O sa mukha, sapul sa panga?

Galit ako, pero hindi dahil sa hormones. Simula nang mag-three months kami, parang bumalik na sa normal ang mood ko. Hindi na ako basta-bastang naiiyak o nagagalit.

This anger felt different. Hindi 'to basta galit lang na walang kadahilanan. Merie and her nosiness is the sole reason for the anger, and it's valid.

'Yun nga lang, hindi ko siya pwedeng suntukin. At least, not here. Nasa faculty kami at narito ang halos lahat nang co-teachers namin. I can't exhibit such violence. Nagpokerface nalang ako. "Bakit mo natanong?"

Ngumuso siya. "Wala lang. Pansin ko lang na tumataba ka. Hindi ba't ganoon kapag may bago na," nakangiti niyang paliwanag. Her brows danced teasingly, as if we're close friends sharing a joke.

I didn't get it. I stared at her, dumbfounded. Hindi ko alam ang tamang sagot.

Buti nalang at nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Raffy. I had a reason to flee.

In-excuse ko ang aking sarili saka sinagot ang tawag. Nang sabihin ni Raffy na nasa labas na siya, agad akong nagpaalam sa mga kasama namin sa room.

"May pinapasabi pala si Sana," habol ni Merie bago ako makaalis nang tuluyan. Nakangiti siya nang muli ko siyang tingnan. "Umuwi ka na raw dahil miss ka na niya."

Nag-aalangan akong tumango. "Sige. Salamat."

○●○

"Hey," pagkuha ni Raffy ng atensyon ko. Nasa kotse na kami ngayon, bumabyahe papuntang Rosalie's.

Before RosaWhere stories live. Discover now