[BR 34]

708 58 13
                                    

R A F F Y
Before Rosa 34

○○○

According sa mga chismosa rito sa lamay, binaril si Mayor Alejandro de los Reyes sa simbahan pagkatapos na pagkatapos ng Misa de Gallo. He was dead on the spot. Maliban sa kaniya, wala namang ibang nasugatan o nasawi sa kaguluhan. Ang haka-haka ay sniper ang tumira. Asintado, at sa puso mismo tinamaan.

Habang nagnoNoche Buena ang buong mundo, nagluluksa ang bayan ng Cierra Estrella sa pagkamatay ng lider nila. That's when Sana called Sia.

I can still picture the look on Sia's face when she came back from talking to Sana that night. Ang putla niya, na parang any minute ay matutumba siya. When she told me what happened, I barely heard her. Parang nawalan siya ng lakas at kahit simpleng pagsasalita lang ay nahihirapan pa siya.

I understand her. I've been there. I know that losing a parent is emptiness in the midst of a crowded room.

Ghaaad, bigla ko tuloy na-miss si Tatay. Laging sinasabi ni Nanay, carbon-copy raw ako ng Tatay ko sa hitsura, ugali, at ilang mannerisms, maliban na lang sa bakla ako at ito'y hindi. I'm not sure what Nanay meant about that, I never got to know. Namatay si Tatay, grade six ako. I knew him only as a father, but not as a person. I don't know the things we share, or if we really had those similarities Nanay said we have. 

But still, his death broke something inside me.

Ano pa kaya kay Sia na umabot ng 26 years ang pagkakakilala niya sa Papa niya. Naging maganda man o hindi ang pagsasama nila ay nakasama niya pa rin ito nang mas matagal.

Now, back to the chismisan ng mga Marites sa lamay na 'to. Umagang-umaga, nakatambay na sila at nakikikape rito kina Mayor. Buti't welcoming ang Mama ni Sia. Pinapasok sila as early as 4am -- oras ng paggising ko dahil namahay ako. 

Iniwan kong tulog na tulog pa si Sia. Hindi ko na muna siya ginising dahil kailangan niyang matulog at magpahinga. Bumaba na lang ako para magkape, at ito nga ang naabutan ko - Chikahan sa Lamay, Episode 3, dahil mukhang tatlong araw na silang pabalik-balik rito.

Ginalingan ko ang pakikinig habang nagtitimpla ng 3-in-1. May tatlong Marites ang nagchichikahan sa balkonahe, dalawang nakaupo at isang nakatayo. Pasimple lang ako sa side table kung saan nakapatong ang mga kape, ilang mani, dalawang plato ng puto, at ang dispenser.

"Ay, ako, natatakot na 'ko. Pa'no na lang kung may biglang bumaril sa kung sinong kapamilya ni Mayor dito? Naku," ani Marites 1, iyong nakaupo sa kaliwa. Natatakot daw siya pero nakade-quatro pa habang nakaupo, na akala mo'y sa kanya 'tong balkonahe na 'to.

"Huwag ka nga," sita ni Marites 2, iyong nakaupo sa harap ni Marites 1. Kinuha nito ang tasa ng kape na nakapatong sa coffee table at uminom doon. "Baka marinig ka ni Madam Alice. Mamaya, paalisin tayo rito."

Pasimple akong umirap habang hinahalo ang kape. Nakatalikod si Marites 3 sa akin pero kita ko ang posisyon niya. Nakahalukipkip siya pero iyong kanang kamay niya'y may hawak na tasa. Uminom siya mula roon. "Ang iniisip ko, sa totoo lang, ay kung sino ang hahalili kay Mayor ngayon. Batang bata pa 'yung anak nilang lalaki."

"'Yung bunso?"

Tumango si Marites 3.

"Eh may dalaga naman si Mayor, ah?" paka-helpful na dagdag ni Marites 2. "'Yung Professor sa Maynila. Si--"

"Alesia?" 

"Ayun."

Natigil ako sa paghalo. Nakita kong nag-tinginan ang mga Marites, tila nagtetelepathy. 

Before RosaWhere stories live. Discover now