[BR 6]

905 58 35
                                    

Touchy subject ahead.

---

R A F F Y
Before Rosa 6

○○○

Last night was the first time I slept soundly after Dino and I broke up. Masyado akong masaya sa ediya ng pagkakaroon ng anak, napanaginipan ko pa ito.

In my dreams, I had a cute little girl wrapped in a lavender-colored blanket. Ngiting ngiti ako habang pinagmamasdan ang chikiting. Gusto ko man siyang paulanan ng halik ay pinigilan ko ang aking sarili. Baka masuffocate ko ang aking little flower. Nagkasya ako sa pagtitig sakaniya.

Pero ngayon, sa sinasabi ni Sia, parang sinisira niya ang pangarap at panaginip na 'yun. Inaalisan niya ako ng karapatang maging magulang. Kaya hindi niya ako masisisi kung bigla akong mag-beast mode rito.

"Okay ka lang teh? Abortion? Naririning mo sarili mo? Abortion talaga agad? Wala nang ibang options? Abortion lang?" sunod-sunod na tanong ko sa mataas na boses.

Napapapikit siya kapag sinasabi ko ang salitang "abortion". Para bang nasasabuyan siya ng tubig at hindi siya makaiwas. Kung pwede nga lang na ulit-ulitin ko sa tainga niya ang salitang 'yun hanggang sa matauhan siya, gagawin ko.

Saan ba niya nakukuha 'tong mga ediyang 'to?

"My aunt did it once when she was younger. Ngayon, okay na naman siya. Hindi na nga lang s'ya nabuntis ulit but I don't want one anyway--"

"Sia." Nabibiyak ang boses ko habang tinatawag siya. There's this hot aura around me, na parang sinasapian ako ng diwata ng apoy, at nanginginig ang buong katawan ko. Nanggagalaiti talaga ako.

Nahihirapan akong huminga kaya tumayo ako at sinubukang kumalma. I stared at the abstract painting behind me. Splashes of red-violet paint dance with a dark green outline. I made out a rose in the abstract art.

"Raffy, I've thought about it. I can't raise this kid, so that's what I'm gonna do. Bakit ka ba nagagalit?"

Hinarap ko siya, seryoso ang aking tingin.

"Don't tell me it's immoral," pangunguna niya habang inaayos ang pagkakalagay ng mga kubyertos sa kaniyang plato. Hindi ko makita ang expression ng kaniyang mukha kasi nakayuko siya. "Hindi sa'kin tatalab 'yan. Mauuna akong patayin ng tatay ko bago--"

"Nagagalit ako kasi hindi ka lang naman ang may karapatang magdecide nito," putol ko sa sinasabi niya. Nawala nanaman ang poise ko at napasigaw ako. "Akin rin yan, oh!"

Natigilan siya. Parang ngayon niya lang na-realize ang fact na 'yun. Akala ba n'ya, sumulpot lang 'yung fetus sa uterus niya? Gurl, may ambag ako!

"Now, tell me," nangingig kong sabi. "Tell me kung bakit hindi ako magagalit kung papatayin mo ang anak ko."

Hindi siya sumagot, pero hindi ko 'yun kinuha as a sign na nanalo na ako. Kasi matigas ang bungo ng babaeng 'to. Hahanap at hahanap siya ng rason para ipilit ang kaniyang gusto.

"Well, katawan ko 'to," aniya sabay angat ng tingin saakin. Her expression is blank but I saw her lips twitch. Nabuhayan ako kasi baka hindi pa naman buong buo ang kaniyang desisyon. Baka may paraan pa para pigilan s'ya.

"Kung gusto mo, ikaw magdalang-tao. Ipalipat mo ang fetus sa imaginary uterus mo," patuloy niya sabay tayo. Iniwan niya ang plato ng pagkain na kalahati palang ang nababawas.

"Kung pwede lang, mami, ginawa ko na. Pero hindi pwede, eh. Ikaw ang babae sa'tin, kaya wish ko nalang, 'di ba?" Bumalik ako sa pagkakaupo. Nanghihina ang tuhod ko. Stress!

Before RosaWhere stories live. Discover now