[BR 31]

797 61 19
                                    

S I A
Before Rosa 31

○○○

The holidays came pretty fast. Parang pumikit lang ako noong birthday ko, paggising ko, Christmas vacation na. Ni hindi ko manlang naramdaman ang pagdaan ng Nobyembre.

Siguro dahil busy kami sa school.

O siguro dahil masaya ako kaya ganoon.

The source of that happiness? Raffy.

Aminado ako, I'm still not used to this romance stuff. With Monic back then, hindi naman kasi ganito. Para kaming magkaibigan na may ibang feelings. I loved her, but not to this extent. Raffy... he makes me feel numb from overwhelming emotions. Ang foreign ng feeling, but at the same time, familiar. 

Para siyang 'yung "I love you" na hirap akong tanggapin at sabihin noong una. Pero nang masabi ko na, narealize kong natural pala siya.

"Ehem."

Umangat ang tingin ko mula sa 'king phone. Nasa Faculty Christmas Party ako ngayon ng University. Hindi ko na-realize na nag-space out pala ako habang tumitingin sa pictures na kinuha namin bago magsimula ang event. Nalunod na ako sa memories nang lumabas ang mga selfie ni Raffy, na minsan kasama ako at si Kei, sa gallery ko.

Prof. Shie, a friend of mine, was raising a brow at me. "Blooming ka," tukso niya. "Parang may iba. May nagpapasaya."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ano--?" 

"Oo nga!" sang-ayon ng iba. Around 5-7 kaming magkakasama sa table, at sumabay lahat sa panunukso.

"Ha? Tumigil nga kayo." Napapikit ako't napahawak sa 'king mukha. I tried to hide it, but a smile crept across my face.

"Kasama ata 'yun, hindi ba Prof. Marj?" ani Prof. Leo. Nasa kabilang side ito ng table, kumakain ng fruit salad. "'Di ba't nakaka-blooming ang pagbubutis? Sure ako ikaw rin noon."

Mahinang hinampas ni Ms. Marj si Leo. She was laughing. "Bolero!"

"'Di lang 'yun, eh," pilit ni Shie. "May nakita ako sa mall last time, eh."

That gained an "ooooh" from the group.

Natigilan ako. "Ano?"

Shie gave me a knowing look. "Holding hands sa grocery. Akala mo mawawala sa aisle ng mga kape."

Biglang nag-flash sa utak ko ang pagpunta namin ni Raffy sa supermarket last weekend. Sobrang kulit ng bakla, ayaw bitawan ang kamay ko. Baka raw mawala ako bigla.

Napatakip na lang ulit ako ng mukha dahil bigla itong nag-init. My reaction gained more teasing from my group of friends. Napatingin tuloy ang mga kumakain sa ibang table.

"I knew it!" sigaw ni Shie na parang nanalo sa lotto. Sinundan nito ng malakas na tawa ang sinabi.

In the middle of teasing, I felt an arm drape over my shoulders. Napatingala ako at nakita si Miss Marj. She stood there, hugging me with one arm. She said, "I'm happy for you, dear."

I gave her a grateful smile.

Nang matapos ang tuksuhan at magresume na ang program, nagpaalam muna ako para mag-CR. I've been peeing a lot and very often since my third trimester. Nakakainis.

Before RosaWhere stories live. Discover now