[BR 27]

832 87 54
                                    

note ---
Raffy flipped his hair last chapter. Wala raw kasi kayong tiwala sa kaniya. Wahahahahaha.

Also, thanks for the 8k reads and 1k votes. That's record breaking for me, lol. Hindi pa 'ko nakakakuha ng 1k reads habang ongoing. Huhuhuuu Thank uuuu <33

Anyway, eto na si Sia.

---

S I A
Before Rosa 27

○○○

Seven years of friendship. Seven. Years.

At this point, hindi ko na alam kung bakit o paano kami naging magkaibigan ni Raffy. Maybe it was during an event that the student council organized way back in college, or maybe through common friends. Maybe we just randomly stroke a conversation and ended up following it up. Hindi ko alam.

At sa totoo lang, hindi ko nga ramdam na ang tagal na pala naming magkakilala. Napapansin ko lang kapag napapaisip ako paminsan minsan. Only then will I realize na ang tagal na pala talaga. It seemed like it was only yesterday when we met.

Pero sa pitong taon na 'yun, sa pitong taon ng prankahan, laitan, yakapan at inuman, I never would have thought that I would date him. My college self would probably gag at the idea, and Raffy would laugh, not believing that such possibility exists.

At hanggang ngayon nga, hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari.

"Aaaaaaaah!" Bea shouted from the other end of the line, her image on my phone screen blurred from her quick and sudden movements. Nagising ako mula sa 'king pag-iisip.

"Seryoso?" tanong niya nang matapos siya kasisigaw. Nag-focus sa mukha niya ang video call at kitang-kita ko kung paanong lumaki ang kaniyang mga mata. "Tinanong ka talaga niya ng ganoon?"

Tumango ako. Muli nanamang nangisay si Bea. Nagblur ang image niya sa cellphone kong nakasandal sa salamin ng vanity table. Para 'tong sinasapian.

Sigh. In-adjust ko nalang ang pagkakaupo ko sa harap ng salamin at hinayaan siya. Tiningnan ko sa sarili kong repleksyon. Nag-aayos ako ngayon habang katawag si Bea dahil lalabas ni kami ni Raffy para "mag-date".

I shivered. Hindi ko sure kung good o bad shiver 'yun, nalilito parin ako. Nahihirapan din akong huminga ngayon, at ang sakit ng puso ko na parang may nakakuyom dito.

Urgh. I think I'm gonna pass out.

"Saan daw kayo pupunta?" tanong ni Bea nang mahimasmasan na siya.

Sumimangot ako sabay iling. "Hindi ko alam. Hindi niya naman sinabi, eh." Ang sabi lang ni Raffy ay lalabas kami. He said it with a small smile on his face, his eyes glinting with something I'm not sure what.

I don't know what he's planning and I'm nervous about it.

Napabuntong-hininga ako. Ibinaba ko ang aking kamay na may hawak na brush. Tininganan ko ang screen at nakita ang aking sarili sa maliit na thumbnail sa gilid. Isang mata palang ang nalalagyan ko ng eye-shadow.

"I want to back out," sabi ko kay Bea. Sasabog na ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung kaya ko bang lumabas sa kuwarto na 'to at harapin si Raffy sa first floor.

Bakit ba kasi ako pumayag sa date na 'to? I was so sure he didn't like me when he said he couldn't marry me. So bakit niya nga ba ginagawa 'to?

Bea scowled. "Akala ko ba gusto mo siya?"

Inikot ko ang brush sa 'king kamay. Bea knows about my feelings for Raffy. I told her a while back. And, she's oddly supportive about it. Hindi ko in-expect kasi parang babalatan niya na ng buhay si Raffy noong huli naming pagkikita. But when I asked her why she's okay with it, her only reply was, "Mukha naman siyang matino."

Before RosaWhere stories live. Discover now