Epilogue

1.1K 88 52
                                    

R A F F Y
Before Rosa Epilogue

○○○

11:43 of February 13, Sia was rushed to the emergency room. At 12:09 of February 14, our baby was born. Pakiramdam ko'y sasabog ang puso ko sa kaba habang hinihintay sila. Pero nang tawagin ako ng doktor para hingin ang mga gamit ni Baby, I just did what they asked. Later ko na na-realize ang lahat nang kumatok ang nurse sa private room namin at sinabing dadalhin niya si Baby.

"Sia," mahina kong bulong sa tainga ng natutulog na Mami. Pinanuod kong magmulat ang kaniyang mga mata, na maga pa sa pagtulog.

"Kumusta ka?" nakangiti kong tanong nang magtama ang aming mga mata.

"Nakakapagod, bakla."

Natawa ako kahit na pakiramdam ko'y maiiyak ako sa nag-uumapaw na emosyon. "You did great, mamsh." I said, brushing some stray strands off her face. Tila lumiwanag ang mundo nang ngumiti si Sia.

"Ginising kita kasi may bisita ka," dagdag ko.

Tumaas ang isang kilay ni Sia. Bagong gising pero ang sungit na agad. "Sino?" tanong niya.

Ngumiti lang naman ako. "Upo ka," sabi ko habang maingat siyang inaalalayan.

"Sino ba 'yang bisita ko?" she wondered. "Parang ang special naman."

Nginitian ko siya. I thought, special talaga.

Maya-maya, bumukas na ang pinto ng kuwarto at pumasok ang nurse na kumausap sa 'kin kanina. My eyes went straight to the bundle of joy in her arms. "Hello, Mommy and Daddy," pakantang sabi ng nurse habang naglalakad papalapit sa 'min. Lalong lumawak ang ngiti ko.

Paglapit sa 'min, ibinigay niya sa 'kin ang kumpol. Then, I passed it on to Sia, who was too shocked to say something.

"Namumula siya," ang una niyang nasabi.

Tumango ako sabay silip sa kanila. "Ang ganda niya."

"Kamukha mo," ani Sia sabay angat ng tingin sa 'kin. Lumingon ako at hinuli nagtama ang aming mga tingin.

And I just knew, that moment was the best five seconds of my life.

"Thank you," bulong ko sabay halik sa tuktok ng kaniyang ulo.

Thank for keeping her, I wanted to say. Thank you for trusting me. Thank you for fighting your fears. Thank you for everything. Sa dami ng gusto kong sabihin, nilimita ko na lang sa dalawang salita na 'yun at hinayaang ang mga mata ko ang magabi sa kaniya.

"Anong ipapangalan natin sa kaniya?"

I reached out and carefully caressed our daughter's cheeks. "Rosa," sagot ko. "As in Rosalie -- pangalan ni Nanay."

Sia nodded. Natahimik siya sandali bago nagsabing, "At Alecia."

I turned to her, asking, "Pangalan mo? Akala ko ayaw mo ng full name mo?"

"Hindi," aniya. May inabot siyang panyo sa tabi. Pamilyar ang hitsura noon. Nang ipakita niya sa 'kin ang embroidery, saka ko lang naalala. "Bigay nina Papa. Alecia, with a C."

Napatango ako. I remember, noong una kong nakita ang panyo, akala ko'y hindi alam ng Papa ni Sia kung pa'no i-spell ang pangalan niya. 'Yun pala, para sa baby namin.

"Rosa Alecia," I finally said. "Welcome to the world, anak."

-fin-

For now.

Note ---
Haaaay, salamaaat! Nine months! (Ten months if you add my planning period) Nine months kong sinulat ang BR at sobrang thankful ako sa inyo for being with me through it all. Let's consider Before Rosa our quarantine baby, alright? I'm so proud of it kahit na maraming times nang parang gusto ko na lang itigil huhuhuhuuu.

fin for now kasi — UPDATE (Sept 19, 2022):

After Rosa is posted. Kindly just check my profile for the second book.

Sa mga naghintay nang matagal (more than a year din 😭) salamat nang marami! At sa mga bang mambabasa, salamat din! Sana nag-enjoy kayong basahin ang aking munting kuwento 🥹

Ingat kayo lagi! 🥺
-A. 💜

Before RosaWhere stories live. Discover now