[BR 9]

811 68 33
                                    

S I A
Before Rosa 9


○○○

Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa ni Raffy para pakiusapan ang doktor na puntahan kami sa bahay sa halip na pumunta sa ospital. Sinabi niyang malapit na kaibigan 'to ni Jerald, kapatid niya, at pinromise niyang wala siyang sinabi rito tungkol sa'min. Nagtanong lang siya ng doktor na pwedeng tumingin sa "kaibigan" niyang buntis.

The doctor said that the baby is healthy. Nagbigay rin siya ng listahan ng bawal saakin at ways para maaddress ang ilang physical na nararamdaman ko. Doc Alex was so dear to us na naging magaan na agad ang loob ko rito.

Pagkaalis ni Doc ay tiningnan ko si Raffy. I asked him, "okay ka na?"

Nagniningning ang mga mata niya. Hindi pa nga makikita ang bata sa ultrasound pero sa hitsura niya'y mukhang gusto na niyang magshopping ng baby needs.

"Oo teh. Sobra. Makakatulog na ako ng mahimbing," aniya.

Iiling-iling ko siyang iniwan sa dining area at saka pumunta sa kusina. Kumuha ako ng baso sa lalagyan at tubig sa ref para uminom.

"Kung mahimbing na pala ang tulog mo, hindi mo na kailangang ipilit na magtabi tayo," sabi ko bago uminom.

For the past days kasi pinipilit parin ni Raffy na makitabi sa kama. Aniya, sumasakit na ang likod niya sa sofa. Malaki naman kasi ang kama dahil pandalawahan talaga ito. Pero lagi ko lang siyang sinisipa palabas ng sarili niyang kwarto kahit ilang beses pa niyang i-promise na walang mangyayari. Mahirap na 'no.

"As if naman mabubuntis ka pa ulit kung may mangyari sa'tin," nakapangalumbabang bulong ni Raffy. Pero medyo malakas 'to kaya narinig ko parin. Nasamid tuloy ako sa iniinom.

"Ano?" nalalaking mga matang sabi ko. Naramdaman ko rin ang pamumula ng mukha ko. Urgh! Bwisit!

"Charot," aniya. "Hindi ka na mabiro."

Inirapan ko siya.

"Dito nalang tuloy ako sa office," patuloy niya sabay lingon sa kanyang home office.

Ibinaba ko ang baso sa dining table tsaka nakapamewang na naglakad papasok sa office niya. Hindi ito kasing laki ng kwarto sa taas pero pwede na rin. 'Yun nga lang, may mesa at maliit na sofa sa loob. "Saan ka matutulog dito?" tanong ko sakaniya. Eh wala namang kama.

Sumunod si Raffy sa loob. Inilibot niya rin ang tingin sa kwarto. "Ilalabas ang sofa at table. Tapos bibili ako ng twin size bed," aniya.

Tiningnan ko siya. Walang halong biro ang kaniyang sagot. "Okay," sabi ko. "Kailan ka bibili? Sasama ako."

Lumingon siya saakin. "Sure ka teh? Hindi ka tinatamad?"

Inirapan ko siya. "Dahil naman saakin kaya ka bibili, 'diba? Kung tutulungan mo ako sa pagpapalaki ng anak ko, edi tutulungan na rin kita sa ibang bagay."

Natulala siya saakin.

Narealize kong para ko na ring sinabing magkatuwang na kami sa buhay ngayon... which is weird.

"I mean--"

"Okay," aniya habang walang kurap na nakatingin saakin. "Sige. Let's help each other out from now on."

Naningkit ang mga mata ko.

Raffy raised his brows at me. "Ano? Ayaw mo?"

Tinabingi ko ang ulo ko... kasi ang weird talaga. Pero... "okay lang," tumatangong sabi ko. "Sige."

Before RosaWhere stories live. Discover now