[BR 29.5] - some extra scenes

529 39 13
                                    

Note --
hi. nakalkal ko lang from my drafts. not bs 🫢 only wholesome scenes ni raffy ft.  struggling sia. hope you guys like it~ i'll write after rosa. pramis yan. habang nasa flow ako 😬

- A 🌻

---

S I A
some extra scenes

○○○

Nasa bahay ako, nakaupo sa sala habang nanunuod ng cartoons. There's a bowl of grapes on my lap. Dumidilim na sa labas pero wala parin si Raffy. Sabi niya sa 'kin kanina'y dadaan lang siya ng mall saglit dahil may pinapabili si Tita Sally. So, I'm home alone.

Maya-maya, nagvibrate ang phone ko. It was sitting beside me so I didn't have difficulty checking what it was. Nang makita kong chat 'yun galing kay Raffy ay agad ko 'yung kinuha.

"See!" chat niya. "Looook!"

Kasunod ay isang picture ng pink onesie na may rose design.

"I'm buying this. Walang makapipigil sa 'kin."

Check if there's a blue one, I replied.

To which Raffy replied a, "MEROON!" Tapos, magsend ulit siya ng picture.

Perfect, I said.

Hindi siya nagreply pagkatapos nun, hineart lang niya ang message ko. Kaya, ibinaba ko na ang phone para bumalik sa 'king pinanunuond.

Maya-maya, nagvibrate ulit ang phone ko. When I checked, it was Raffy again. Nagsend siya ng picture niya, nasa fitting room wearing a pink shirt with a rose design, just like the onesie, na inilagay niya nga sa tabi niya. He's smiling so brightly that I can almost hear him when he sent, "MATCH KAMI, MAMI!!! ASJXBXYEJSVKAHS!!!"

And I thought, I love him, over the swelling of my heart.

○●○

"Bumili ako ng CD," Raffy announced, holding up a case. Sabado at lumabas sila ni Jhe kanina para bumili ng mesa para sa Rosalie's. Pagbalik niya, ayan ang bungad niya.

Tiningnan ko siya mula sa paanan ng hagdan. "CD? For what?"

Lumapit siya sa 'kin nang nakangiti. "Para kay baby," aniya. He reached out and asked, "Pwedeng humawak?"

My nerves vibrated in protest but I nodded. Nang hawakan niya ang tiyan ko, hindi ko alam kung nabuhayan ako o nahihilo. Gusto kong lumayo sa kaniya.

Pero nang ngitian niya 'ko'y nagrelax ako nang kaunti.

"Para sa'n nga 'yung CD?" ulit ko ng tanong ko.

"Para kay baby. Pampatalino."

Kumunot ang noo ko. "Bakit CD? Diba't may cellphone naman? Ba't di ka nalang nagdownload?"

He blinked. "Oo nga noh?" Then, he stared at the case in his hand. "Ano nang gagawin ko rito?"

Natawa 'ko sa kaniya. "Ewan ko sa 'yo. Bakit mo kasi binili?"

"Eh na-excite ako pagka-kita ko," he said, pouting slightly. "Ayun, binili ko agad."

Para talagang tanga, I mused. Parang masarap din halikan. Hm.

○●○

"Rafaela?" Raffy asked as he massaged my calves. Nasa kabilang side siya ng couch, nag-iisip ng baby names habang ako naman ay nanunuod ng TV. Nagpapababa lang kami ng kinain bago matulog. Paminsan-minsan, nagrereact ako sa mga pangalang naiisip niya. "Ela? Gusto mo ng Ela bilang nickname, See?"

I shrugged. "Ewan ko. Isip ka pa."

"Pangalan ni Nanay, Rosalie?"

I cringed my nose. "No offense kay Tita, ha. Pero, 19-oldies. Tsaka, bakit puro sa side mo. Sa 'kin naman."

"Sige, anong name ng Mama mo?"

Natigilan ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya sabay sagot ng, "Alice."

"Alice? Doon galing ang pangalan mo?"

I nodded. "Pero 'yung Ale- ng Alesia, kay Papa galing. Lahat kaming magkakapatid nagsstart sa Ale- ang pangalan -- Alejandro, Alesia, Alessana at Alexander."

"Ngayon mo lang sinabi 'yan," tahimik niyang sabi.

"Ngayon lang nabring up," nakakibit-balikat kong sagot.

"So, gusto mong i-pattern dun doon ang pangalan ng anak natin? Nagsisimula rin sa Ale-?"

"No!" pasigaw na sagot ko. Then, I quietly added, "Ayoko."

Dahan-dahang tumango si Raffy. He squeezed my calves and said, "Next time naman tayo mag-isip ng bebe names. For now, i-aakyat na muna kita."

Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. "I-aakyat?" ulit ko.

"Mhm."

Tumayo si Raffy sa harap ko at inilahad ang kaniyang kamay para kunin ko. I stared at it. "Bakit?"

"Kasi gusto ko?" Then, he snatched my hand from my lap. "Tara na."

"Wait," reklamo ko. I had no choice but to follow him as he walked me upstairs.

Nang nasa may pinto na kami ay hinarap niya 'ko sa kaniya. He put a hand at the back of my head and pushed me towards him as he planted a soft kiss on my forehead. Then, he leaned down a bit more to plant another kiss on my belly.

"I love you both," he whispered.

At sa oras na 'yun, gusto ko nang sumagot. I was so close, but the words got stuck on my throat again.

I love you, too.

... i wonder if I'll ever get to tell him the words and mean it like how he meant to me.

🥀

Before RosaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora