[BR 23]

708 64 29
                                    

Unedited and a bit shorter than the regular. Sorry na. I've been busy huhuhuhuuu. I hope you're all doing well. Stay safe! 💜

---

S I A
Before Rosa 23

○○○

Kailan ba ang huling beses na nag-effort ako nang ganito para sa ibang tao? Hmm...

Ang huling naaalala ko ay noong kami pa ni Monic. Ni hindi nga natuloy ang effort kong 'yun, hanggang plano lang. Iyong 'yung plano kong ipagluto siya pero naudlot nang... nang duguin ako. After that, we broke up.

It's only been four months, pero feeling ko'y ang tagal na.

So, anong ginagawa ko ngayon? Bakit ako nasa kusina, kung saan hindi ako belong? Bakit ko sinusubukang magluto kahit na hindi naman ako inaayunan nito?

"Ah!" daing ko nang mapaso ako ng tumalsik na mantika. Durog na ang isda sa kawali at sumasakit na ang aking ulo sa inis. I want to give up on this pero... I exhaled loudly and continued what I was doing.

Hindi ko na talaga kilala ang sarili ko.

Pagkatapos kong magluto ay agad akong umakyat sa kuwarto ko para gamutin ang sugat at tapalan ng band aid. Kapag nagtanong si Raffy kung anong nangyari, sasabihin kong nahulugan ulit ng stapler ang kamay ko.

Pop.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. May sinend na video clip si Bea.

Bea: pag-aralan mo nang mabuti 'yan. kailangan mong matuto.

Kumunot ang noo ko. I typed my reply.

Me: Ano 'to?

Bea: tips.

Me: Tips?

Bea: basta. tips. 😉

Wala akong nagawa kundi pindutin ang play button. Hinintay kong magplay ang video.

I got confused as soon as I watched it.

Ano 'to? reply ko kay Bea.

Bea: alam ko kasing wala kang sweet bones sa katawan mo kaya binibigyan kita ng examples. pag-aralan mo nang mabuti ha? marami pa ko rito. 😉

Tapos, nagsend ulit siya ng panibagong video.

"Sia?"

Agad kong sinara ang cellphone ko. I hid my first aid kit and went downstairs to meet Raffy.

"Kanina ka pa?" tanong ko pagkababang pagkababa ko. Naabutan ko siya sa kusina, tinitikman ang sinigang na bangus na  niluto ko.

"Hindi. Kararating ko lang."

Tumango ako. Pansin ko ngang hindi pa siya nakakapag-palit.

"Dumaan ulit si Kevin?" tanong niya sabay tingin sa 'kin.

Napakagat-labi ko. "Ah, oo," sagot ko sabay tago ng aking kamay sa likod.

Raffy smiled. "Improving siya ha. Sabihan mo Mami, dagdagan niya pa ng kaunting asin," aniya sabay kuha ng asin at binudburan ang sabaw. "Isang kulo at pwede na tayong mag-dinner."

Before RosaWhere stories live. Discover now