[BR 21]

743 69 21
                                    

I've been meaning to update for two days now. But something always came up kaya mag-uupdate na 'ko ngayon kahit sa tingin ko'y tulog pa kayo. Good morning! 😁

---

S I A
Before Rosa 21

○○○

Lunes. Kahit pagod at inaantok, kailangan ko nang bumalik sa trabaho. May quiz ako sa dalawa kong klase at may faculty meeting kami sa hapon. I can't be absent.

So, pagkatapos kong maligo, pumili na 'ko ng susuotin ko para sa araw na 'to. Wala naman kaming uniform sa university pero may color coding. On Mondays, we wear blue. Dalawa nalang ang blue ko dahil hindi na sa 'kin magkasya ang iba. I held them up against my body, one on each hand, to see which looks better.

Long sleeve blouse iyong nasa kanan ko. Loose siya at presko sa pakiramdam. 'Yun nga lang, kailanganin ko itong ternuhan ng pantalon. Kaso, wala na akong maluwag na pantalon.

Iyong sa kaliwa ko naman ay isang dress na stretchable. Pero kapag sinuot ko ito, mahahalata ang tiyan ko.

I threw the blouse back into the closet. Wala akong ibang choice kundi iyong dress kaya iyon na ang isinuot ko.

After zipping it up, I spent a few minutes checking how I look. Hindi naman pangit tingnan. Okay lang. Pero obvious na obvious ang baby bump ko kaya kapag pumasok akong ganito ang hitsura, sigurado akong mapapatanong ang kung sino mang makakasalubong ko.

Eh, ano naman kung mapansin nila? a bold part of me asked. Alam na naman ng parents ko na buntis ako. Sino pang pinagtataguan ko?

Ngumuso ako sa reflection ko. But that's not what I'm worried about, I thought. I'm afraid that I'll attract attention.

Napahawak ako sa umbok ng tiyan ko. I feel uncomfortable showing it off. Naisip ko tuloy kung may pwede akong ipantakip dito para hindi mahalata.

But then, Raffy's voice invaded my thought. I remember that one time when I was having an emotional breakdown and he said to me, "Mami, it doesn't matter what you look like on the outside. What matters is what's on the inside."

I started to smile. Ang corny ng sinabi niya, pero napangiti ako.

"You might gain even more weight in the following months," his voice continued in my head. "But still, you are beautiful to me."

Napapikit ako nang mariin sabay hawak sa mga pisngi ko. Kailan ko pa naging kosensya si Rafael Gonzales?

"Ugh," I groaned. "This is bad."

Napatingin ako sa tiyan ko. "Baby, is this your doing?" tanong ko sa inosente kong anak. "Ni-record mo ba lahat ng sinabi ng tatay mo at pineplay mo ngayon sa utak ko?"

I sighed. Kahit pagod ako, I felt a weight lift from my shoulders. I started to smile again. At least, I feel better now, I thought to myself.

Kinuha ko na ang mga gamit ko para bumaba.

○●○

As expected, I received a lot of lingering looks from students and teachers I passed by. Minsan na ring may nagulat na co-teacher ko, but he was polite enough not to ask. Nagwowonder nalang ako kung makakatagal ba 'ko hanggang uwian nang walang nagtatanong.

Before RosaWhere stories live. Discover now