[BR 16]

706 58 46
                                    

R A F F Y
Before Rosa 16

○○○

Gusto ko bang mag-road trip?

Aba, depende.

May music ba tayo? Pagkain? Christmas lights sa loob ng sasakyan? Mga kuwentong katatawanan at katatakutan?

May itinerary na ba? Ilang stops? Kukuhanan mo ba ako ng candid shots habang nagdadrive para i-post sa Instagram? Makakapag-Tiktok ba tayo sa daan?

Bilangin ang mga sagot na YES. Kung mas marami 'to sa bilang ng NO, then count me in.

O kaya'y sabihin mo lang na pupunta tayo sa hometown n'yo para ipaalam sa 'yong parents na magkaka-baby na tayo. That works, too.

After sabihin ni Sia sa 'kin na handa na siyang kausapin ang mga magulang niya, nagpaalam na agad kami sa sari-sarili naming mga boss kung pwede kaming mag-leave for three days.

At ngayon nga ay naghahanda na kami para umalis. Ani Sia, roughly 8 hours ang byahe pauwi sa kanila, na madaragdagan pa dahil sa stops na aming daraanan. Pinili naming mag-day trip kaya 7am palang ay naglalagay na ako ng mga gamit namin sa kotse.

"May nakalimutan ka pa ba?" tanong ko kay Sia mula sa main door ng bahay. Hawak ang susi sa isang kamay, nakapamewang ko siyang tiningnan. "Ila-lock ko na rito."

Humarap sa 'kin si Sia. Nasa may gate siya, hawak ang isang box na hindi ko alam kung saan niya napulot.

"Ane yern?" tanong ko.

Kunot-noo niya 'kong tiningnan. "Hindi ko alam. Delivery para sa 'yo, pero walang return address pero sabi nung delivery man galing Thailand daw." Lumapit siya sa 'kin saka inabot ang package.

Kinuha ko iyon. Parang sa sapatos ang laki at hugis ng box. It's wrapped in plastic saka may seal ng delivery company. May kabigatan ang package pero hindi sobra. Inalog ko ito saka pinakinggan. Mukhang may padding sa loob dahil wala akong narinig na kalabog.

"Should I open it?" tanong ko kay Sia.

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko sa 'yo."

"Pa'no kung bomba?"

"May narinig ka bang tumutunog?"

Umiling ako. "Ano naman kaya 'to?" Pumasok ako sa bahay bitbit ang package. Humanap ako ng gunting saka pinunit ang packaging.

Pagkabukas ko, nagtanong si Sia. "Anong laman?"

I closed the box again. "Ah, wala. Di ko nakita. Narealize ko kasing tatanghaliin na tayo kung ichecheck ko pa. Pagbalik ko nalang tingnan," mabilis kong sabi.

Tinaasan ako ng kilay ni Sia.

Nginitian ko lang naman siya sabay tayo na 'ko. Naglakad papunta sa kwarto at saka sinara ang pinto. Agad akong tumungo sa aparador. Isinuksok ko ang box sa pinaka-ilalim. Bago lumabas.

Saka ko na aalamin ang dahilan kung bakit ibinalik ni Dino ang mga journal sa 'kin.

○●○

"Ako naman ang magdadrive," ani Sia pagkatapos naming kumain ng tanghalian. Tumigil kami panandalian sa isang fast-food katabi ng gasolinahan.

Nag-inat ako sa tabi niya. "Ayoko nga. I can manage mameh, thank you nalang," sagot ko sabay hikab.

Pinaningkitan ako ni Sia. "Wala ka bang tiwala sa 'kin?" tanong niya sabay subo ng isang stick ng Yanyan.

Napatigil ako sa pag-stretching at napatingin sakaniya. "Trust issues agad? Stress ka Mami. Di pwedeng ayaw lang kitang mapagod?"

Before RosaWhere stories live. Discover now