[BR 28]

792 85 59
                                    

note ---
I'm restless again. Hahahaha. Di pa dapat ako mag-uupdate ngayon eh. But, oh well. You guys deserve it after your sweet messages and understanding responses sa last post ko. I won't delete that so you can comment on it if may maisip kayong tanong sa 'kin about anything.

Anyway, eto na. Alamin na natin ang kinalabasan ng date ng dalawa. 2.9k words 'to. Hingang malalim guiseee.

---

R A F F Y
Before Rosa 28

○○○

Nasabi ko na sigurong buong buhay ko, busy akong ma-in love at humanap ng mai-in love rin sa akin. It's very easy for me to fall, and I have no problem acting on it.

Bakit pa 'ko mag-iinarte, 'di ba? Kung masaktan, edi masaktan.

Oo nga't masakit maiwan, kagaya noong iniwan ako ni Dino. But, seriously, the fluff and warmth of being in love is so... urgh. I kenttt.

Ako nang shunga-shunga pero... wala eh. At least, accepted ko kung ano ako, 'di ba? And I'm not beating myself up for being like this. Kapag nasaktan, edi mag-move on nalang ulit.

Napatingin ako kay Sia. She insisted on driving today, para sa date namin. I didn't want her to, but... she's right. I should let her do her own thing. Nasobrahan naman ata ako kanina, saying that I'd drive her 'whether she likes it or not'. She has a choice, she always have. I just forgot it for a moment.

Anyway, erase erase na 'yun. I said sorry, she said sorry. Heto na kami. Nasa mall na kami at tinatanong niya 'ko kung saan kami pupunta.

I glanced at her. She's walking slowly beside me kasi iika-ika pa 'kong maglakad. Maya't maya niyang pinapagpag ang dress niya, na parang hindi parin siya komportableng nakikita ng mga tao ang lumalaki niyang tiyan. I wanted to hold her hand, to stop her from worrying about it, but I held back. Sinagot ko nalang ang tanong niya.

"Sabi mo, hindi ka naman nagugutom, 'di ba?"

Tumango siya nang hindi tumitingin sa 'kin. She's still looking around.

"Okay," sabi ko sabay lipat sa kabilang side niya para i-block ang kaniyang view. I put my arm around her shoulder and urged her forward. "Dederetso muna tayo doon sa pinlano kong puntahan." At huwag ka nang titingin kung saan-saan. You'll only stress yourself.

Kunot-noong umangat ang tingin ni Sia sa 'kin. Hindi niya 'ko tinulak palayo pero ramdam kong hindi siya komportable kaya niluwagan ko ang hawak sa kaniya. "Saan nga?" tanong niya.

"Basta."

Ngumuso si Sia. She poked my side and I jolted away from her.

"Ano?" natatawa kong tanong.

"Saan nga."

"Malapit na," pangako ko. I held her elbow and guided her forward. Maya-maya, lumiko ako sa kaliwa papunta sa mga shop na tinaasan ni Sia ng kilay.

"Dead end na rito. Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Dito," turo ko. I pointed to a glass door and pushed it open.

Amoy ng sabon at cosmetics ang bumungad sa 'min. Mirrors lined up on one wall, nakaharap sa mga ito ay ang mga upuan na ginagamit ng hairdressers. Sa gilid nakaparada ang mga de-gulong na rack -- ang mga lalagyan ng gunting at ilang gamit panggupit. Sa kabilang wall, nakalinya rin ang ilang reclining chairs. Sa paanan ng bawat isa ay isang malinis na planggana.

Before RosaWhere stories live. Discover now