[BR 30]

770 71 39
                                    

note--
a little late on the time. in-edit ko pa kasi. though there's nothing much here, enjoy! -A. 💜
---

R A F F Y
Before Rosa 30

○○○

"Are you ready bitches?"

Napasara ulit ako ng pinto ng kotse nang marinig ang boses ni Kevin. Nakatayo siya sa harap ng kotse ko habang nakapamewang at pinasasayaw ang kaniyang mga kilay. His hair was in a loose bun, sunglasses on top of it. Topless siya maliban sa red floral na kimono. Then, a pair of maong shorts for bottoms.

Sia facepalmed. Iiling-iling siyang lumabas ng kotse sabay sabing, "Kanina ka pa?"

Bagot akong sumunod sa kanila. Nasa isang resort kami ngayon para sa birthday ni Sia. Bukas pa 'yun pero mag-oovernight kami.

Dumiretso ako sa likod ng kotse pagkalabas. "Tulungan mo na nga lang kaming mag-unload," sabi ko kay Kevin.

He only spread his arms and pouted like a kid. "Walang yakap muna? Hindi n'yo manlang ako na-miss?"

Dumaan si Sia sa harap niya at tunulak siya. "Ang cheesy mo," anito. Pero hinabol niya 'to at niyakap mula sa likod.

"Hoy, dahan-dahan! Baka matumba kayo!" sigaw ko.

Binitawan nga ni Kevin si Sia, pero sa 'kin naman siya tumakbo. He wrapped me in a bear hug that had me laughing.

"Ba't ang higpit? Miss mo talaga kami?"

Kevin nodded against my shoulder. I smiled a little, patting his head.

"May sasabihin ako sainyo mamaya," aniya.

Saglit akong natigilan. I searched his face but he only smiled.

"Kumuha na 'ko ng room." He patted my back and loosened up his grip. Tinulungan niya akong buhatin ang mga gamit namin.

"Ilan bang kuwarto ang kinuha mo?" Sia asked, her phone in her hand as she walked behind us.

Kevin grinned. "Isa," aniya.

Sia crinkled her nose in disapproval. "Bakit isa lang?"

"Ilan ba dapat? Tatlo? OA naman!"

Tumabi ako sa kaniya at binunggo siya sa tagiliran. "Tinitipid mo ba kami?"

Umirap si Kevin, flipping his hair at the same time. "Gaga. Ang mahal-mahal dito tapos iniisip mo pang tinitipid ko kayo? Tulak kaya kita sa pool kasama ang wallet ko?"

Natawa na lang ako sa sinabi niya, pero si Sia, mukhang hindi natutuwa. Binunggo ko na lang ulit si Kevin sabay nguso sa direksyon nito. Kevin fell back, pouting as he walked beside her. He said something to convince her. Noong una'y umirap pa ito pero naglaon ay tumango rin. May kunot pa rin sa noo ni Sia nang matapos ang pag-uusap nila pero may ngiti nang sumisilip sa mga labi nito.

Napangiti rin ako.

"Alright! This way, bitches!" Nauna na si Kevin kaya binagalan ko ang aking lakad para masabayan si Sia.

"Anong sabi niya sa 'yo?" tanong ko.

Sia shook her head, suppressing a small smile. "He asked me to trust him."

Tumaas ang isang kilay ko. "Hmm?" I hummed.

"Aniya, it's a surprise for me kaya..." Sia shrugged. "I let him be."

I nodded. "Okay."

Natahimik kami saglit. Then, after a few seconds, as we're taking the stairs to the second floor, Sia asked, "Bakit? You don't trust him?"

Before RosaWhere stories live. Discover now