[BR 25]

679 65 21
                                    

Note ---

Nasa panahon nanaman tayo na sunod-sunod ang bagyo. Oddly though, mas productive ako ngayon. Siguro kasi hindi ko pinipilit magsulat? Siguro dahil may iba akong iniisip kaya nakikisiksik ang story ideas sa utak ko. Ang weird ko talaga.

Anyway, I hope you guys are all safe. Please help me pray for our brethren who were greatly affected by the recent typhoon. Stay safe, loves.

Here's BR 25 to take your mind off your troubles, even just for a little while. Escape with me.
-A. 💜

PS. Uneditedxxx

---

S I A
Before Rosa 25

○○○

Naiinis ako.

Tama naman si Raffy eh, hindi naman mali ang sinabi niyang best friend niya ako. Pero kasi, may parte sa 'kin na nag-iisip na sana iba ang sinabi niya. May parte sa 'king nasaktan sa pinili niyang description.

I don't want to be just his best friend. I want to be someone else in his life. Someone more.

At lalo akong naiinis sa sarili ko dahil naiinis ako sa kaniya. (My life's turned into a mess, courtesy of Raffy.)

But... haaay. I couldn't help it.

A few days ago, I had a dream. In that dream, I was wearing a white dress, my vision blurred by a veil. I was certain I was in a wedding dress -- for my wedding.

Now, like I said before, I vowed to never get married. Itinaga ko 'yun sa bato, sa harap mismo ng mga magulang ko. Ang panaginip na 'yun, isa 'yung masamang panaginip, kung hindi lang ako sigurado sa taong naghihintay sa 'kin sa altar.

Kagaya ng halos lahat ng panaginip, malabo sa ala-ala ko ang panaginip na 'yun pagkagising. But somehow, I was certain that Raffy was the one waiting for me at the end. I was so sure of it.

With that thought, instead of getting scared, I felt relieved. So relieved that I was smiling when I woke up.

Ganoon 'yung epekto niya sa 'kin.

Kaya ganito rin ang epekto sa 'kin ng sinabi niya.

"Shet," I gasped. Humawak ako sa malamig na railings ng terrace ng ospital. Umuulan sa labas pero hindi papunta sa terrace ang hangin kaya hindi ako nababasa.

"Ang babaw ko." I exhaled loudly. Rinig ko sa 'king tainga ang malakas na tibok ng aking puso. Nakikikumpetensya ito sa ingay ng ulan.

I gripped the rails tighter. "Nakakainis."

"Okay ka lang?" tanong ng isang boses mula sa likod ko.

Gulat akong napalingon. "Jhe," I breathlessly said.

Ngumiti sa 'kin ang kapatid ni Raffy. "You look troubled," he said, inching towards the railings beside me.

"Wala 'to," sagot ko. "Ba't ka lumabas? May nangyari ba kay Raffy?"

Umiling siya. "Pinayagan na si Kuya na samahan ka. The nurse brought a wheelchair to the room. Ihahatid ko nalang kayo sa clinic ng doktor mo."

Ngumuso ako at tumango. "Ang tigas talaga ng ulo," bulong ko.

I looked back to the curtain of rain. Jerald chuckled. Nang tingnan ko siya'y nakita kong sinasalo niya ang ulan sa kaniyang mga kamay.

"Kumusta kayong dalawa ni Kuya?" tanong niya nang hindi tumitingin sa 'kin.

Before RosaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt