[BR 26]

722 73 63
                                    

Note ---

Sorry for updating late in the day, but I thought I should post it now before I lose my chance. Nag-ooccupy nanaman kasi ako ng personal stuff.

enjoy. this is the longest chapter i've written for BR. hope u like it. uwu.

---

R A F F Y
Before Rosa 26

○○○

Lumalim ang kunot ng noo ko kaiisip kung bakit parang galit si Sia nang lumabas siya sa hospital room. I knew her a little bit more now to notice her mood swings. Natauhan lang ako nang tumayo rin si Jerald.

"Uh... may tatawagan lang ako," aniya. Tapos, lumabas na rin siya sa kuwarto. Naiwan kaming dalawa ni Nanay sa loob.

There was comfortable silence at first. Bumalik ang nurse na nakausap ko kanina, tulak-tulak niya ang isang wheelchair. Pinayagan na ako ni Doc, aniya. At baka bukas nga raw ay i-discharge na 'ko. Tumango nalang ako at nagpasalamat sa kaniya. Nang umalis siya'y kinuha ko ang phone ko para mag-scroll sa social media.

Nang pumatak ang ala-una, napatanong ako sabay tingin sa pinto. "Nasan na kaya si Sia?"

Umangat ang tingin ni Nanay mula sa sarili niyang cellphone. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya at hindi ko na rin naitanong. "Baka pabalik na rin 'yun," aniya sabay balik sa kaniyang phone.

"Malelate na kami sa appointment," dahilan ko kahit ang totoo'y hindi lang talaga ako mapalagay. I want to know if she's mad. "Tawagan ko kaya? Baka kasi i-fill na ni Doc Alex 'yung slot namin."

"Maaga pa. Pumirmi ka nga jan," aniya nang hindi ako tinitingnan.

Sumimangot ako. "Ba't ka galit?" tanong ko sa kaniya. "Nagsasabi lang naman ako."

Inangat ni Nanay ang tingin niya sa 'kin. Naka-eyeglasses siya ngayon dahil hirap na siyang basahin ang maliliit na font sa gadget. May kataasan ang grado ng salamin kaya malaki kung tingnan ang kaniyang mga mata. Idagdag pa na matalas ang tinging tinatapon niya sa 'kin.

"Galit ka parin hanggang ngayon, 'Nay?" hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya. "Parang five years na mula nang last na usapan natin. Since then, kahit pumupunta ako sa Rosalie's ay 'di mo 'ko kinakausap. Huwag ganoon, mother. Bebe mo kaya ako."

Inirapan niya 'ko. Hindi niya sinagot ang pagdadrama ko. Sa halip ay tinanong niya nalang ako ng, "Nag-usap na ba kayo ni Sia?"

Napabuga ako ng hangin. Inilapag ko muna ang phone ko sa side table bago siya sagutin. Walang paligoy-ligoy si Mamá. Ora-orada. "Tinanong ko na si Sia," dahan-dahan kong sagot sa kaniya.

"Anong sabi?"

I pursed my lips and stared at the metal edge of the bed. Hindi ko alam kung pa'no sasabihin kay Nanay ang pag-uusap namin. But I have to try.

Bumuga ulit ako ng hangin. "Go lang daw siyang magpakasal," sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

Narinig kong gumalaw si Nanay. Nang tingnan ko siya'y may hopeful glint sa kaniyang mga mata. "Oh, anong sabi mo?"

Tumikhim ako sabay iwas ng aking tingin. "Sabi ko, ayoko."

Saglit na hindi sumagot si Nanay. I had the feeling na minumurder niya na 'ko sa isip niya, kahit pa sa 'ming dalawa ni Sia ay ako ang anak niya.

"Nag-iisip ka pa ba nang maayos, Rafael?" tanong ni Nanay maya-maya. Hindi ako tumitingin sa kaniya pero boses palang niya, pinanaasan na ako ng balahibo. Her voice sounds dangerous.

Before RosaWhere stories live. Discover now