[BR 20]

754 69 42
                                    

R A F F Y
Before Rosa 20

○○○

What a weekend we just came from! Nakakalurky!

In-expect ko ba na ganito ka-heavy ang drama na haharapin namin nang sumugod kami sa hometown ni Sia? No! Akala ko mabubugbog lang ako physically. Pero emotional pala ang labanan dito. Mayghad.

Anyway, at least, naka-survive kaming pareho ni Mami Sia. At ngayon nga ay uuwi na kami.

Habang nagpapaalam si Sia kay Bea, inilalagay ko naman ang mga gamit namin sa kotse. Wala pang masyadong tao sa labas dahil alas kwatro palang ng umaga pero may maya't mayang dumaraan na para mag-attend ng pang-alas kwatrong misa.

Napatingin ako sa kinaroroonan nina Sia at Bea. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil nasa kabilang side sila ng kalsada. Pero kita ko ang pagpadyak-padyak ni Bea, na parang ayaw niya pang paalisin ang kaibigan niya.

Tapos, napatingin sa 'kin si Sia. Siya ang nakaharap sa gawi ko kaya madaling nagtama ang mga mata namin. She gave me a small smile, which I returned, before pulling the red scarf tighter to hide her face.

Nang bumalik ang atensyon niya kay Bea ay tinapos ko na ang paglalagay ng bagahe. Tapos, tumayo ako sa tabi ng passenger's seat para hintayin silang matapos.

"Sige na, alis na kami," paalam ni Sia sa kaibigan nang makalapit sila sa akin.

"Sandali," ani Bea sabay baling sa akin. Matalas ang kaniyang mga tingin pero namumula ang kaniyang mga mata. Mukhang naiyak siya sa usapan nila ni Sia. "Kakausapin ko muna si Raffy."

Napatingin ako kay Sia, tapos kay Bea. "Bakit?" tanong ko.

Bea sniffed. "Sumunod ka nalang," aniya sabay talikod sa amin. Naglakad siya papalayo sa kotse.

"Hindi niya naman ako papatayin, 'di ba?" bulong ko kay Sia.

"Siguro?"

Tiningnan ko siya. "Siguro? Mami, bakit hindi ka sure?"

She chuckled.

At kahit nasa bingit na 'ko ng kamatayan, napangiti rin ako. After last night, hearing her laugh was a relief.

"Hoy," tawag ni Bea mula sa malayo. "Ano? Hindi ka susunod?"

"Pumasok ka na muna sa kotse," sabi ko kay Sia. "Mahamog dito." I gave her the keys before following her friend.

Tiningnan lang ako nang masama ni Bea pagkalapit ko sa kaniya. "Ano?" tanong ko.

In a count of three, her expression changed. She smiled like a madwoman. Napahakbang ako papalayo sa kaniya.

"Yah," tawag niya. Nakangiti parin siya pero 'yung mga tingin niya, nagbabanta. "Oppa. Promise me."

Kumunot ang noo ko. Ang weird kasi ng accent niya, kaloka. Okay lang ba talaga siya? "Ano namang ipo-promise ko sa 'yo?"

Itinaas ni Bea ang kamay niya at pinakita sa 'kin ang kaniyang hinliliit. "Mangako kang aalagaan mo ang Mayora namin," aniya.

Umirap ako. "Hindi mo na 'ko kailangang takutin para gawin 'yan, teh." I tapped my chest. "Aalagaan ko talaga si Sia kahit hindi mo sabihin."

"Hindi pa 'ko tapos!" she snapped. "Aish..."

I bit my lips to shut myself up.

"Tapos, pag tama na ang panahon, ibabalik mo s'ya rito sa 'min."

Slow-mo akong napakurap. "Tamang panahon? Ano 'to, teleserye?"

Lumapit siya sa 'kin at hinampas ang braso ko. "Magpromise ka na lang," pilit niya.

Before RosaWhere stories live. Discover now