[BR 11]

821 66 39
                                    

I'm not yet back. Special update lang 'to. Birthday ni Kevin, eh.
Ingat kayo lagi! 💜
-A

---


S I A
Before Rosa 11

○○○

When the woman introduced herself as Raffy's mother, I immediately started running down ways to torture someone.

Mahirap bang gawin ang hinihiling ko? I just wanted a little more time. Sasabihin naman namin soon. Naghintay sana siya. Kapapromise niya lang kaninang hindi na siya gagawa ng kung anong hakbang nang hindi sinasabi saakin tapos, heto nanaman siya.

But when I woke him up, Raffy looked as surprise as I was. Napaisip tuloy ako kung tama ba ang interpretation ko ng mga nangyayari.

"Ilang taon na kayong magkaibigan ng anak ko?" tanong ni Tita Sally, nanay ni Raffy, habang inililipat namin ang mga pagkain sa serving plates. "I'm sure you've met Dino."

"Five years na po kaming magkakilala," sagot ko. "And yes, kilala ko po si Dino." Hindi ko maintindihan kung saan papunta ang usapan naming ito, pero hinayaan ko nalang.

"Hay, naku. Ang bait na bata ni Dino. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nila kailangang maghiwalay. Kawawa naman ang Raffy ko."

Saktong pumasok si Rafael sa kainan pagkasabi ni Tita Sally noon. Tiningnan ko siya ng masama. I want to send the message that I still want to kill him. Kailangan niyang gumawa ng 3000-word essay to explain everything to me para patawarin ko siya.

"Naaay, okay na ako. Move on ka na rin," reklamo ni Raffy sa nanay niya.

Pinagalitan siya ni Tita Sally. Nangangayayat na raw siya. Napansin rin nito ang lalim ng kaniyang mga mata.

Napatingin nalang ako sa gilid dahil alam kong kasalanan ko ang pagpupuyat niya ngayon.

"Hindi madaling mag-'move on' sa taong minahal mo ng tunay," patuloy ni Tita. "Ako nga sa tatay mo..."

"Nay," sulpot ng kapatid ni Raffy sa tabi ng nanay nila. Bahagya akong napangiti kasi... saan galing 'yun?

Nagpatuloy sa pag-uusap ang mag-iina. Hindi ko na masundan ang pinag-uusapan nila. Nabalik lang ako sa ulirat nang hawakan ni Tita Sally ang braso ko.

"Buti nalang at narito ka, hija," aniya. "Baka mabigyan mo ng anak 'tong anak ko."

Nablanko ang utak ko.

Instinctively, I let go of her grasp and put my arms protectively over my belly. Agad akong napatingin kay Raffy.

"Naaay!" saway niya kay Tita. "Saan naman galing 'yun?"

"W-wait lang po," sabi ko sabay layo sakanila. Nagtama ang tingin namin ni Raffy at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

I walked past him and out of the house. Pumunta ako sa garahe.

"See," habol ni Raffy.

Humarap ako sakaniya at mabilis siyang sinampal. My palm stung, but I didn't mind. Naiinis ako sakaniya.

"Aray naman cyst. Hindi ako nakapag-ready dun," aniya habang hawak ang kaniyang pisngi.

"Ready ka na ba? Uulitin ko," sabi ko sabay handa ng aking kamay. Huwag niya akong binibiro sa ganitong bagay dahil hindi ako nakikipagbiruan. "Ano?"

Before RosaWhere stories live. Discover now