[BR 19]

703 62 22
                                    

S I A
Before Rosa 19

○○○

"I'm sorry, See. Hindi ko alam na--"

"Ssh!" I said to cut the nonsense Raffy was about to say. Then, I pointed to a left turn. "Lumiko ka jan."

Sumunod siya. Sinalubong kami ng palubog na araw.

Ilang minuto pa, pinatigil ko na si Raffy. He looked at me with confusion when he saw where we are.

"Sementeryo?"

I nodded with at thin smile resting on my face. "Tara," aya ko sa kaniya.

Akmang lalabas na 'ko nang pigilan niya ako. "Sandali." May kinuha siyang pulang scarf mula sa backseat at ibinigay 'yun sa 'kin.

"Anong gagawin ko rito?"

"Ilagay mo sa baywang mo," aniya habang nakatingin parin sa bintana ng side ko. Nandoon ang entrace papunta sa sementeryo.

"Para sa'n?" naguguluhan kong tanong.

"To keep you safe," simple niyang sagot. "Di ka nga dapat pumupunta rito eh."

Tiningnan ko ang scarf, tapos ang gate ng sementeryo tsaka siya. "Pamahiin nanaman?" I asked.

Saglit niya 'kong tiningnan. Seryoso ang kaniyang mukha. "Just wear it, See. Wala namang mawawala kung isusuot mo."

I was struck by his seriousness. Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Itinali ko nga ang scarf sa baywang ko.

"Do we really have to go in there?" kunot-noo niyang tanong. "Aabutan na tayo ng gabi eh."

Huminga ako nang malalim. I looked out my window. "I want to talk to Kuya."

Nagbuntong-hininga rin si Raffy. Then, I heard the car door opening and closing. Nang lingunin ko siya ay nakita kong umiikot na si Raffy papunta sa side ko. He opened the door and gestured for me to come out.

"Hindi tayo magtatagal, ha," aniya.

I smiled weakly. "Okay."

I led the way.

Habang nilalakad namin ang lupang daan, kita sa kanluran ang paglubog ng araw. Kulay kahel ang langit sa banda roon. Marahan rin ang ihip ng hangin, na sumasayaw sa mga dahon ng malapit na kahoy.

Sa Catholic Cemetery inilibing si Kuya. Ang unang part ay siksikan at puno ng nagtataasang mga nitso. Para itong maze na mahirap i-navigate. Kung hindi mo memorized ang lugar, malaki ang tsansang maligaw.

Hinigpitan ko ang pagkakatali ng balabal sa baywang ko. I stepped to the side and warned Raffy. "Oh, may lapida jan, baka maapakan mo."

Natigilan siya. Maingat niyang inikutan ang libingan bago ako muling sinundan.

"Malayo pa ba?" kunot-noo niyang tanong habang hinihimas ang kaniyang mga braso. He glanced left and right, as if afraid to see the dead rise.

"Malapit na," pangako ko.

Narating namin ang second part ng sementeryo. Sa part na 'to, imbes na nagtataasang nitso, mala-bahay na mga gusali ang makikita.

"Gara," comment ni Raffy. "Siguradong feeling at home ang mga patay dito. Bahay na bahay ang mga mausoleo eh."

Mapait akong napangiti. Pati talaga sa libingan, kita ang gap sa social status ng mga tao.

I led him to the last building. Iyon ang pinakamataas. Two-storey na may rooftop. Gawa sa semento at may pinturang cream at gold.

Before RosaWhere stories live. Discover now