[BR 3]

1K 56 25
                                    

S I A
Before Rosa 3

○○○

Raffy's solution to falling out of love is to "rekindle the romance".

"Spend some time with her bago ka mag-isip ng kung ano-ano," he said. "Iparamdam mo sakaniyang sinubukan mo."

As if that's easy.

Haay, I sighed, closing my eyes. Ilang oras na akong nakahiga sa kama pero hindi ako pinapatulog ng mga sinabi ni Raffy. Bwisit na Rafael Gonzales 'yan. Ito yata ang idea niya ng paniningil. Kung sinabi niya, edi sana umuwi ako ng maaga at hindi na nakikain pa.

Mag-isa nanaman ako sa apartment. Gaya ng sabi ko kay Raffy, hindi makaka-uwi si Monic ngayon dahil overtime siya. May emergency sa ospital.

It's normal. Lagi namang may emergency sa ospital. Malamang, ospital 'yun. Araw-araw, may nagkakasakit, may naaaksidente, may nanganganak o namamatay. I salute medical practitioners for their dedication, really. I don't blame Monic for her choice of profession.

But, I just wish she's with me when I'm upset like right now. Masama bang humingi ng ganoon? Even just a little bit?

At the same time, though, hindi ko alam kung gugustuhin ko ba talagang nandito ngayon si Monic habang nag-iisip ako ng ganito. Kasi kung nandito siya, tatanungin niya ako kung anong bumabagabag saakin. Mahihirapan akong sagutin s'ya kung ganoon.

But then again, kung nandito siya, hindi na siguro ako mag-iisip ng ganito. Siguro'y hindi na nasabi ni Raffy ang mga salitang 'yun kasi umuwi na ako. I wouldn't have this problem in the first place. Haay.

Nakakainis.

I rolled over the bed and planted my foot on the floor. I sat up and stared blankly at the working table by the window. May stacks ng libro doon, references ko for my grad school thesis. Hindi ko pa nasisimulan basahin ang mga 'yun. And I still have class tomorrow. Mag-aadminister ako ng final exam sa'king undegrad students.

But I can't sleep. Gising na gising ang diwa ko. Kape nalang ata ang magliligtas saakin bukas.

Matapos ang ilang minutong pagtitig ay tumayo ako at naglakad papunta sa lalagyan ko ng damit. Hinila ko iyong pinakahuling drawer at saka nagsimulang mangalkal.

Nababaliw na ata ako kasi inilabas ko kaisa-isang lingerie na pangmamay-ari ko. Mas marami si Monic ng ganito, pero ayokong manghiram ng kanya. Ang lakas ng kabog ng puso ko habang tinitingnan ito.

Bwisit, self. Okay ka lang?

"Urgh," I groaned. Nahiga ako sa sahig dulot ng frustration.

Tama si Raffy. I should do something to keep this relationship. Maybe wear this lingerie tonight and wait for Monic to find me on the bed when she gets home. O kaya mag-request ako ng day off sakaniya to have a picnic or something. Pwede ko rin siyang puntahan sa ospital. Surpresahin siya, ganoon.

Pero nakakainis kasi... ayoko. Tuwing iniisip kong gawin ang mga bagay na 'yun, nanlalamig ang mga kamay ko. Then, the ground would pull me to it. Parang gusto nitong manatili ako sa sahig, in a fetal position, staring blankly ahead.

Hindi lang ako nag-iinarte. Sinasabi ng katawan kong ayoko. And the more I fight it, the harder it is for me to breathe.

'Yun ang hindi alam ni Raffy. 'Yun ang never niyang maiintindihan.

Kasi, I care for Monic. And I feel so bad whenever it occurs to me that appeasing my own feelings will hurt her.

Pero sobrang hirap makita ang sarili kong gumagalaw nalang according lang sa kung ano ang expected. Para kong tinitingnan ang sarili ko mula sa malayo. It's like I'm seeing a different person cuddling with her on the sofa, watching TV as she sleeps in what's supposedly my arms.

Before RosaWhere stories live. Discover now