Kabanata 16

146 9 1
                                    

Keiron

Buhay kapatid ko.

Buhay si Serena, pero nasaan siya? Nasaan ang kapatid ko, at ang anak niya. Our parents died without her, namatay mga magulang namin kakahanap sakanya, at ako di ko alam kung saan siya hahanapin.

"Kei? Hinahanap ka ng anak natin, bumalik na tayo sa Ainabridge." biglang sulpot ni Criszette.

"Pero Zette, buhay si Serena. Narinig ko siya." punong-puno ng pag-asa na saad ko sakanya.

"Kei, alalahanin mo anak natin. She need us now, so bumalik na tayo dun. Kei, wag na natin hanapin ang taong ayaw magpahanap, bumalik na tayo sa Academy dahil yung anak natin, may pinagdadaanan ng di natin nalalaman kaya please lang. STOP FINDING PERSON NA AYAW MAGPAHANAP." naiirita ng saad niya sakin, kaya medyo natauhan ako.

Tama siya.

Kasi kung mahahanap namin siya, mahahanap namin siya eh. Pero mahirap hanapin yung taong di na nagpapahanap.

Serena nasaan ka na ba? Where the hell you are now? Kailan ka ba babalik? Hinihintay kita. Hinihintay ka namin.

Brylle

Alam kong mali, alam kong di tama. Dahil mahal pa ni Kyline ang ex niya. At kung may pagkakataon baka nga magkabalikan sila.

Alam kong di ko dapat nararamdaman to, isa lang akong scholar sa kanilang eskwelahan, isa lamang akong taga bayan. Samantalang siya isa siyang Sandiwa, tinitingala at kinatatakutan.

She doesn't deserve a man like me.

"Bry?" out of nowhere na sulpot ng isang tao, malamang alangan naman hayop jusq dapat na ko manakbo pag hayop biglang sumulpot sa Garden ng Academy.

At ng lingunin ko si Allyson pala.

Malungkot siya at nakatingin lang sakin, lumapit siya at umupo sa tabi ko. At tinanaw ang mataas na pader na nakaharang upang makita ang labas ng Academy.

"Bry? Alam mo may dalawa akong narealized at nalaman ngayong araw." out of nowhere na sabi niya habang nasa kalangitan ang tingin niya. Ni hindi man lang niya ako nilingon.

Napapaano ba ito?

"Sandiwa Allyson? Okay ka lang?" tanong ko sakanya.

"Alam mo kung ano yun, I realized na hindi ko dapat pinipilit yung sarili ko sa taong ayaw sakin. Alam man niya o hindi na gusto ko siya. Kailangan kong tanggapin yung sitwasyon na yung taong iyon iba ang gusto. Na yung taong wala sa akin ang atensyon." malungkot na saad niya dahilan para mapakunot ako. Napapaano ba ito?

Medyo nag-aalala ako dahil sobrang bigat talaga ng paligid dahil sa sobrang lungkot niya.

"Okay ka lang ba? Please answer me." nag-aalalang tanong ko pa sakanya. Pero tulad kanina wala akong nakuhang sagot.

"Alam mo Bry, I always been second choice sa lahat ng bagay. Never akong pinili, at never akong naging first choice. I used to be inlove with Clyde before, Kyline ex boyfriend. Pero di niya nalaman yun, dahil nung time na handa na kong sabihin sakanya yung nararamdaman ko nalaman ko nalang na sila na, Clyde used to be my bestfriend, my boybestfriend. But everything changed when he got a chance to enter Kyline's life." pagkwekwento niya pa. Kaya medyo natulala na ako, dahil di ko alam kung bakit sinasabi niya sakin to ngayon.

"Ally? Bakit sinasabi mo sakin to?" nagtataka at napapakunot nalang ako ng noo.

"Dahil alam ko.." saglit siyang tumigil at lumingon sakin dahilan para matahimik ako at magulat sa biglang paglingon niya. "..na gusto mo siya, gusto mo si Kyline." deretsahang saad niya dahilan para matahimik ako para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Literal ah, dahil di ko akalaing napapansin niya yun.

"Huh?" yan lang ang tanging nasabi ko sakanya, dahil natulala nalang talaga ako.

"Ramdam ko Bry, ramdam kong gusto mo siya. Dun palang sa sinamahan mo siya sa ulanan kanina, kahit alam mong ibang tao hinahanap niya. Dun palang sa lagi mo siyang hinahanap. Dun palang Bry alam ko na halata ko na." deretsahang at walang preno na saad niya sa akin.

"Allyson, stop!! Wala kang alam." medyo naiirita ng sabi ko sakanya.

Wala siyang karapatan na sabihin to sakin lahat, wala siyang karapatan pangunahan ako at diktahan ako. Nakakapikon siya.

"Bakit mo ba sinasabi to lahat Ally? Para saan? Pumunta ka lang dito para sabihin sakin yan? What the hell?" asar na asar na singhal ko sakanya. Alam kong masama na singhalan ang isang babae pero di kasi nakakatuwa mga sinasabi niya.

Nakita ko ang pagbagsakan ng mga luha niya dahilan para matigilan ako. She smile bitterly at tsaka pinunasan mag-isa mga luha niya.

"Sinasabi ko to para maagapan tong nararamdaman ko. Sinasabi ko para malimitahan ko sarili ko, at sinasabi ko para matanggap ko, na hindi ako ang gusto mo, na hindi ako yung mahal mo. Gusto kong agapan para di ako dumating sa point na ipagsisiksikan ko ang sarili ko sayo. I don't wanna get that far. So please hayaan mong sabihin ko sayo ito lahat, and after kong sabihin to. Wag na wag mo na ko kakausapin, and this is the end of our friendship.." humihikbi na saad niya at tsaka tumayo na. Di ako nakapagsalita dahil nagulat ako. Di ko alam kung anong irereact ko, kung anong dapat gawin ko. Parang sa isang iglap nawala ang tapang ko, ang inis ko at pagkaasar ko. Dahil umiiyak siya sa harap ko. "..I wanted to tell you na mahal kita, Brylle. And tama si Francine, di mo ko kayang mahalin dahil sa pangalawang pagkakataon wala na naman ako choices." mapait na ngiting saad niya at pinunasan ang mga luha niya patuloy na pumapatak.

"Allsyon?" tanging salitang nasambit ko nalang sakanya.

"You don't need to say something dahil di mo naman ako inutusan na gustuhin kita. Dahil nagkusa eh, nagkusa tong nararamdaman ko. Pasensya na kung naistorbo kita dito para lang sa mga non sense na sasabihin ko. Gusto kong patahimikin ang sarili ko, at agapan tong nararamdaman ko. Salamat sa pakikinig, and I just wanna say our friendship is not over. Hindi ko gustong maging kaibigan ang taong mahal ko." saad niya pa at naglaho na parang bula.

Naiwan akong tulala at di alam ang gagawin, dahil di pa din nagsisink-in sakin lahat-lahat.

At isa lang ang paulit-ulit na pumapasok sa utak ko.

May gusto sakin si Allyson? At di ko man lang naramdaman yun.

Savage SandiwaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz