Kabanata 38

61 7 0
                                    

Jaryl

After accidentally magkrus yung landas namin sa kanto kanina ay sinama ni Tita Yana rito sa bahay sila Tita Jinri at si Tito Rui.

Matagal na pala silang hindi nakakabalik sa Normsantandia lalo na si Tita Jinri kasi alam niyang ligtas ang pamilya niya sa Normsantandia at wala ng gulo.

At ng ikwento ni Tita Yana lahat sakanya para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa at parang gustong bumalik sa Normsantandia ngayon din.

"Wait what? May unknown enemy ngayon sa Normsantandia?" gulat na saad ni Tita Jinri.

"Yes, at hawak nila lahat ng mga kaibigan natin. Maging ang asawa ko ay hawak nila." malungkot na saad ni Tita Yana.

Ramdam na ramdam ko ang lungkot ni Tita Yana, bukod kasi sa yung asawa niya hawak ng kalaban. Kinailangan niyang iwan yung anak niya sa Normsantandia to find Kyline, Francine and Brylle.

"Kung hawak nila ang mga kapatid ko, at mga kaibigan natin? Nasaan si Francine, nasaan ang pamangkin ko?" saad ni Tita Jinri, na wari mo'y inaantay na sabihing oo ni Tita Yana. ".. sabihin mong ligtas siya Ate Yana." dagdag pang sambit ni Tita Jinri.

"Sa kasamaang palad, narito ang pamangkin mo. At hinahanap namin sila ni Jaryl.." malungkot na sagot ni Tita Yana kay Tita Jinri.

"Bakit nandito yung pamangkin ni Jinri?" sabat na tanong ni Tito Rui.

"May tulay kasi kaming tinawidan para nakarating sa Alcania to ask help kaso yung tulay na yun may dalawang door. Yung isang tulay patawid papunta sa Alcania while yung isa patawid dito sa mundo ng mga tao at once na sa pintong yun sila tumawid bukod sa mapupunta sila, mabubura alaala nila. At tatlo silang napunta dito, yung tatlong pinakaimportanteng parte ng Prophecy." paliwang ni Tita Yana.

"What do you mean prophecy? Yun ba yung trio prophecy?" tanong ni Tita Jinri.

"Yes kaya kailangan namin sila mahanap."

"Did you mean, yung pamangkin part ng prophecy na yan. Why do I feel na it's part of prophecy ang mapunta sila dito. Anyway kung tatlo sila at yung pamangkin ko yung isa at alam kong si Kyline yung isa. Sino yung isa?" sabi ni Tita Jinri at tanong niya.

"Si Brylle, ang anak ni Diana." sagot ni Tita Yana, dahilan para matigilan sila Tita Jinri at Tito Rui.

Oh right, why do I forgot that Tito Rui is Tito Justine friend at silang dalawa yung dinala noon sa Normsantandia at si Tito Justine ang nakatuluyan nung Diana based sa mga kwento ni Ina sakin.

Ibig sabihin ba nito, that Justine in the television kanina is Tatay ni Brylle? Nagkita na sila without knowing that connection between the two of them.

What a destiny?

"Brylle? May anak si Justine at Diana. As far as I know, bigla nalang umalis si Diana noon. At iniwan si Justine, paanong nagkaanak sila?" gulat na tanong ni Tito Rui.

"It's a long story. Kailan ko lang din nalaman when I cross path with that young man. Malaki ang pagkakahawig niya kay Diana at Justine. But that young man is pinalaki ni Serena. And because of my recent discover power, nalaman ko ang lahat. Yung pusa na inaalagaan ni Kyline, yun ang anak ni Serena at Brisk he's a cursed child while si Brylle ay anak ni Diana at Justine." kwento ni Tita Yana sa kanilang dalawa.

Savage SandiwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon