Kabanata 21

152 9 1
                                    

Kyline

"Oras na siguro Ky." walang animo'y saad ni Jaryl kaya napalingon ako sakanya.

"Oras na para saan?" sabat ni Kyle na asar na asar sa nagtatalo na teenager na mga magulang niya.

Mukhang puro bangayan ito noon.

"Oras na para magkasundo-sundo. Ang problema ng Normsantandia ay hawak na natin, dahil walang maalala ang mga magulang natin tayo ang sasalo nito." saad ni Jaryl sakin. Kaya bahagya akong natigilan.

May parte sakin na ayoko, pero kinabukasan na ng Normsantandia ang nakasalalay rito.

Natahimik muna kami lahat saglit ng biglang may sumulpot na nakaitim sa harap namin kaya kanya-kanyang labasan ng mga kapangyarihan namin.

"Sino ka? Anong kailangan mo samin?" sigaw ni Gabriel rito.

"Ako? Ako ang papatayin sa inyo *evil laugh* buhay niyo ang kapalit ng buhay na winakasan ng mga magulang niyo." nakakatakot na sagot nito samin. Na kahit ako ay nakaramdam ng takot.

Sino ba kasi to?

"Yun ay kung papayag kami na mapatay mo kami." matigas na saad ni Francine. Kaya napalingon kami sakanya.

Iba din tapang nito. Sabagay, dugong-Ovianad nga pala ito.

"Wag mo kong sinusubukan Sandiwa baka gusto mong unahin kita." galit na sigaw ng lalaking nakalutang at nakaitim sa harap namin. Balot na balot siya kaya di namin alam itsura niya.

"Edi unahin mo, sinong tinakot mo? Kung yung mga kasama ko natatakot sayo. Ibahin mo ko, di kita uurungan." matigas na matigas at may halong pang-aasar na saad ni Francine.

At dahil sa sinabi ni Francine ay bigla ding lumabas sakin ang palaban at cold na Kyline.

"Ako din hinding-hindi kita uurungan. Hindi ako si Kyline para sa wala lang. Baka nalilimutan mo anak ako ng makasaysayang Sandiwa na ngayon ay Reyna na ng Normsantandia." nakangising saad ko. Naramdaman ko naman ang takot na nararamdaman niya. Kaya ko kasing maramdaman kung natatakot sakin yung kausap ko o hindi.

"Ang mga anak ng Royal Bond, hanga ako sa iyong katapangan ngunit wala na kayong magagawa. Mga paslit pa rin kayo sa king paningin *evil laugh* mga paslit lamang kayo na anumang oras ay maaari kong paslangin." sabi niya kaya lalong lumakas ang loob ko na mas lalo siyang asarin.

"Francine, Kyline. Wag niyo na patulan yan kayo lang mapapahamak diyan." saway ni John samin na may halong pag-aalala sa kanyang tinig.

"Wag kang makialam dito, John kalalake mong tao duwag ka." malamig na saad ni Francine sakanya.

"Ano ba nababaliw na ba kayo? Wala pa tayong sapat na kaalaman para labanan siya." di makapaniwalang saad ni Cheska.

Kaya napalingon ako sakanya.

"Manahimik ka Cheska, wag ka nalang magsalita kung wala kang magandang sasabihin.." asar na saad ko sakanya. "..di ko talaga alam kung paano ka naging anak ni Haring Ryle at Reyna Xhaina." nakangising saad ko sakanya. Kaya nakita ko ang pagsara ng kanyang kamao.

"Anong sinabi mo? Sinasabi mo bang mahina ako." galit na galit na saad niya sakin.

Tama nga ganyan nga magalit ka sakin ng magkasilbi ka naman.

Nagtataglay kasi siya ng lakas ng tinig na nagpapataboy ng mga kalaban. At oras na sumigaw siya ng malakas maitataboy niya pansamantala ang kalaban.

Aminado din naman ako na di namin kayang labanan ang nilalang na ito, kailangan namin ng sapat na oras para aralin at magplano at maging handa sa muli naming pagharap sa nilalang na ito na batid kong may pakana ng pagkawala ni Clyde.

"Mahina ka, Cheska. Hindi mo kayang tumayo sa sarili mong paa. Buong buhay mo, lagi kang nakabuntot sa kahit sino. Bakit Cheska wala ka bang sariling desisyon at utak." nakangising panggagalit ko pa sakanya.

"Ano ba? Kyline ano ba? Tumigil ka nga. May kalaban na sa harap natin, talagang dito niyo pa naisipan mag-away." saway ni Jennifer samin.

"Tama siya, Sandiwa Kyline hindi dito ang lugar para makipag-away ka." sang-ayon naman ni Brylle kay Jennifer.

Ang hihina talaga ng utak.

Nilingon ko si Francine na nakasandal lang sa pader, na nakangising pinapanood ang nagaganap. Maging ang kalaban namin ay naguguluhan na sa nagaganap. Ikaw ba naman makakita ng mismong yung kalaban niya nag-aaway. Kakaiba yun!

"Wag niyo sila awatin, alam ni Kyline ginagawa niya." sabat ni Francine. Kaya napalingon sakanya lahat na may halong pagtataka.

Kaya napangisi ako. Mukhang nakuha na ni Francine gusto kong mangyari.

"Ano ba Francine, alam kong wala kang pake samin? Pero hindi ito ang tamang lugar para mag-away." galit na saad ni Gabriel.

Pero parang walang narinig si Francine sa sinabi ni Gabriel.

"Tulad ng sinasabi ko, alam ni Kyline ginagawa niya." matigas na saad ni Francine.

"Ano na Cheska? Mahina ka nalang ba habangbuhay. Kailan mo balak lumaban pagpatay na lahat ng nasa paligid mo." nakangising saad ko kay Cheska.

"Ano ba bitiwan niyo ko, papatikimin ko lang ng hagupit tong si Kyline. Sumusobra ka na!" galit na galit na saad niya habang pilit kumakawala kay Gabriel at Kyle na hawak-hawak siya.

"Bitawan niyo siya, hayaan niyo siya." matigas na utos ni Francine kay Gabriel at Kyle. Ayaw pa sana nila sumunod ng iangat ni kamay niya para magbigkas sana ng spell sa dalawa. Kaya ayun wala silang nagawa kundi bitawan si Cheska.

"Ano bang ginawa ko sayo para alipustahin mo mo ng ganto." galit na galit na saad ni Cheska tsaka sumugod sakin. Kaya inaambaan ko siya ng espada na saktong bitbit ko pala. Kingina nakalimutan kong dala ko pala ito.

May espada din kasing hawak si Cheska na hinugot niya kay Gabriel na saktong may dala pala.

"Ano nga bang ginawa mo sakin Cheska? Ah alam ko na inagaw mo lang naman sakin si Clyde. Ahas ka diba?" nakangising pang-aasar at pambwibwisit ko pa sakanya.

At dahil sa sinabi kong iyon unti-unti siyang nag-init, senyales na sasabog na siya. Kaya napangiti ako.

"Ganyan nga mga paslit kayo ang mag-away-away. Ganyan nga, mas madali kung kayo na ang magpapatayan." rinig kong saad nung lalaki. Aba nandito pa pala ito, naku muntik ko na makalimutan.

"Nandiyan ka pa pala." nakangising saad ko dun sa kalaban.

"Hindi ko inagaw sayo si Clyde, wala akong inagaw sayo. Nexctus Ere Shonto." galit na galit na saad ni Cheska at tsaka siya lumiwanag kaya napatakip ako ng mata dahil sobrang nakakasilaw ang liwanag nito at tsaka umalingangaw sa buong paligid ang huling mga salitang binanggit ni Cheska.

At tsaka kami nakaramdam ng parang pagsabog sa paligid dahil sa tinig ni Cheska.

"A-anong n-nangyayari? Ah! Di pa tayo tapos babalikan ko kayo." rinig kong takot na takot na saad nung kalaban at tsaka sa pagsabog ng paligid at narinig ko ang paghagis niya palayo.

Kasabay nito ang pagbagsak ng kung sino sa lupa.

"Cheska." sabay-sabay na saad nilang lahat. Kaya napamulat ako, at doon ko nakita ang walang malay na si Cheska.

"Sabi sa inyo, alam ni Kyline ginagawa niya. Sige na dalhin niyo na kay Nurse Romina yan." nakangising saad niya habang nakatingin sakin at sabay lingon kay Cheska na walang malay. At tsaka iniwan kami.

By the way wala na dito sila Ina, nagkahiwa-hiwalay sila. At wala pa kaming sapat na plano para sakanila. Sa ngayon, ang pagharap muna sa lalaking yun and dapat naming unahin. Dahil nasa kanya ang lunas sa nangyari kina Ina. Kaya kami talaga naiwan dito sa tapat ng headquarters.

"Paano mo nalaman, kakaibang kapangyarihan ni Cheska na miski siya di niya alam." nagtatakang tanong ni Allyson sakin. Pero di ko siya sinagot batid ay ningisian ko lang siya at hinawakan si Brylle para maglaho. Di ko din alam kung bakit binitbitbit ko pero bahala na.





Savage SandiwaWhere stories live. Discover now